CHAPTER 31

16 3 0
                                    

"Mom, where’s Daddy? I miss him already!” nakangusong pagtatanong ni Starlette na kasalukuyang nakaupo sa higaan niya, nakapantulog na siya dahil oras na niya para doon.

I also don’t know where he is, baby, he’s been away for three days and three nights. But I know that he’s not in his office, he’s with his new girl, that’s for sure.

Simula kasi noong tumawag siya at nagpaalam ay hindi na siya umuwi ako ay umaalis pa rin at bumabalik sa bahay pero ni minsan ay hindi ko siya nakitang umuwi, may balak pa ba siyang umuwi? Tsk. Overtime.

“Busy lang po sa work ang daddy,” umupo ako sa tabi niya at niyakap siya. “Miss ka na rin niyon pero wait mo lang siya, babawi rin sa iyo ang daddy.”

“Why siya busy?” inosente niyang pagtatanong na ikinatingin ko sa pinto ng kuwarto at ibinalik din sa kanya ang mga paningin ko.

“Di ba mahilig ka sa mga toy? Barbie? He’s working hard po para may pambili ka ng toys and foods and beautiful dresses,” tugon ko at ngumiti nang matamis sa kaniya, prinoseso niya naman ang sinabi ko at payakap sa aking ngumiti.

I patted her head, “Okay, Mommy! I love you!”

“I love you more, baby, let’s sleep na, it’s late already.” pag-aalok ko sa kanya at inangat na ang kumot niya para makahiga na siya at maitabon ko ito hanggang sa leeg niya.

I’m sorry, baby, you’re missing your dad but does he miss you too at this moment? He’s prolly sleeping by her side tonight, but one thing’s for sure, he loves you so much–his first baby.

Nang makatulog na si baby Starlette ay dahan-dahan na akong tumayo mula sa higaan niya at saka lumabas ng kuwarto niya. Balak kong pumunta sa baba at mapag-isa sa veranda, sanayin ang sarili ko sa sakit.

Tunay ngang nakasasakit ang pagmamahal, mas napatunayan ko na.

Naglalakad ako patungo sa elevator nang matigilan ako dahil sa pagbubukas ng asensor at paglitaw ni Alexis sa kauna-unahang pagkakataon muli; ninais ko siyang takbuhin ngunit napakuyom na lamang ako sa mga kamao ko.

Magulo na naman ang buhok niya, malamlam ang mga mata, namumula ang buong mukha, gusot ang polo, na naglalakad hawak-hawak ang black wallet niya.

Matutuwa lamang dapat ako na umuwi siya, pero pakatatandaan ko pa ring may iba na siyang minamahal na babae...kaagad.

Ngunit baka nagkakamali lang din ako, bilang kakambal ni Ali, ay dapat ko siyang tanungin at klaruhin ang bagay na ito. Marahil ay nagluluksa lamang ako sa wala.

Datapwat iyong “baby” at “babe” nilang tawagan ay hindi na normal na magkaibigan lamang.

Mabibigat ang mga hakbang ni Alexis patungo sa kuwarto niya na animo’y lasing kaya nagmamadali ko siyang sinalubong nang muntik siyang matumba. “Hey, Alexis, are you okay?” mapag-alala kong tanong na hindi pa rin nakalilimutang si Gly ako rito.

Hinawakan ko siya sa braso upang alalayan ngunit winaksi niya ito dahilan para mapa-atras ako nang kaunti pero nakahanda pa rin ang mga kamay kong gabayan siya papunta sa kuwarto niya.

“I’m not okay. She broke up with me,” aniya sa garagal niyang boses na ikinahinto ko sa paglalakad, nakalimutan ko nang ikisap ang mga mata ko habang sinusundan siya ng ulo ko hanggang sa makatapat niya na ang pinto ng kuwarto niya. “Fuck,” he muttered under his breath and put the pin code to his room and went in.

While me, I’m still stuck on this floor processing the little words he said; someone broke up with him?

I guess, hindi ko na siya kailangan pang tanungin, malinaw na malinaw na: na totoo nga ang naisip ko, he has moved on from Ali that quick, he had let go of her, and is now inlove with another girl that broke up with him.

Sumuko na siyang mahanap ako. Akala ko ba hindi siya mapapalagay nang hindi ako nakikita at naipapalibing man lamang nang maayos? Bakit ganito?

Hindi ako masayang nasasaktan siya pero nasasaktan akong ibang babae na ang pagluluksaan niya.

I might say that it’s my fault that he doesn’t love me anymore, but I will never regret fighting for my parents’ deserved justice.

I’m nearing it.

At isa pa, hindi niya naman ako papayagan o tatanggapin kapag nalaman niyang ginagawa ko ito e, alam kong magagalit siya.

Pero mabuti na rin itong ginawa ko, nalaman kong hindi ganoon kalalim ang pagmamahal niya para sa akin mahal niya lamang ang babae kapag nariyan sa tabi niya, madali siyang magbago ng minamahal at kung doon siya masaya, e ’di wala na akong magagawa.

Sana lamang talaga ay naisip ko na ito noon pa, ganito rin naman ang nangyari kay Gly at sa kaniya nang mas napamahal siya sa akin. Ang kitid ko dahil ang hirap nang iwakli ng bagay na mahal ko na rin siya—at mahal na mahal pa rin hanggang ngayon.

Maybe it will only cause my heart broken for sometime but I’ll eventually get over it, at kapag nakapagmove on na ako sa kanya ay mas mapapadali ang paghahanap ko ng hustisya sa mga magulang ko dahil hindi ko na siya iisipin...ngunit kapag nahanap ko na rin ang hustisya ay wala na akong babalikang Alexis.

Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko at umatras na mula sa kinatatayuan ko, nais kong pumunta sa apartment ni Eiser ngayong gabi at doon humikbi, hindi rito na maaari niya akong makita at hindi ako malaya; gusto kong ilabas ang hinanakit ko sa malayong lugar, ibibilin ko na lamang si Starlette sa isang katulong muna habang tulog siya.

I really need a friend to hear me out tonight.

Napatigil ako sa paghakbang nang may parang natapakan ako; inalis ko ang paa ko at nakitang black wallet iyon ni Alexis.

Pinulot ko ito at pinagpagan, wala sa isip ko ring binuklad na parang libro ang pitaka niya para lamang masigurong kaniya nga ito kahit naman sigurado na ako sapagkat ito ang hawak niya kaninang wallet na nabitawan niya’t tumilapon nang iwaksi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

Lumingon ako sa direksyon ng pinto ng kuwarto niya at saka ibinalik sa pitaka ang mga paningin ko.

Well, I know he won’t open the door for me and he’s deadly drunk inside that room, he had probably slumped, so I’m going to return this tomorrow.

Mirrored FatesWhere stories live. Discover now