CHAPTER 27

13 3 0
                                    

He’s right. I’m the one who caused this to him and I shouldn’t be talking as if I’m relevant to him.

“Yeah, right, I was just concerned...bawal na bang magtanong? Para kasing wala ka sa sarili e.” saad ko pa sa boses ni Gly, ngumisi naman siya at pairap na tumingin sa tapat niya.

“Of course, wala talaga. Don’t ask of me again...I wouldn’t like to be a bad model here. At isa pa, alam mo namang ayaw ko ring kausap ka, mas sasakit ang ulo ko.” pasimple niyang sagot na ikinabuntong-hininga ko na lamang at tinanguhan.

Hinarap ko na uli ang pagkain ko at ipinagpatuloy ang pag-u-umagahan ko nang mabigat pa rin ang dinidibdib.

Nabaling ulit ang atensyon ko kay Alexis nang umurong ang upuan at tumayo siya; sinundan ko siya ng paningin ko nang tunguin niya si Starlette at halikan sa ibabaw ng ulo nito.

“Dad, you want this?” pag-a-alok ni Star ng nakagatang bacon niya kay Alexis.

“No, baby, thank you.” malambing na sagot ni Alexis sa kaniya at hinalikan naman ang noo niya. “Dad’s gonna go to work, see you later.”

Napasunod ulit ang mga mata ko nang maglakad na paalis si Alexis nang hindi man lamang kumakain, gustung-gusto ko siyang suwayin pero ayaw kong magmukhang halata at kagalitan na naman niya.

Napatingin ako kay Renz na tila walang pakialam sa nangyayari dahil wala siyang emosyon na kumakain; wala rin naman siyang alam talaga e.

Lalo na si Starlette na napaka-inosente sa lahat ng ito.

“S-Sir,” napadako ang tingin ko sa tumawag na si Manang Trixie na tila kakapasok lamang dito sa kusina, hawak-hawak ang isang gray sweatshirt. “Ma’am Gly nasaan po si Sir?”

“Ah, kakapunta lang yata sa kuwarto niya, pupunta na raw sa trabaho niya e.” pagsagot ko sa kanya.

“Ah, sige po, maghihintay na lang ako.” ngumiti siya nang mapagpaalam at bahagyang inangat ang gray sweatshirt. “Ibibigay ko lang naman ’to e,”

“Ay, okay. Naiwanan niya ba sa salas? Sabagay, nakainom siya kagabi e.” ani ko na inilingan niya naman.

“Hindi po, may babae kanina sa gate na magdo-doorbell ho sana kaso nakita niya akong papasok—kasi galing ako sa paggo-grocery, kaya sabi niya ipapa-abot niya na lang daw ’to sa akin kay Sir kasi hoodie ’to ni Sir na nakalimutan kuno sa condo niya.” pagpapaliwanag niya na ikinataas ng dalawang kilay ko kasabay ng bahagyang pag-awang ng bibig ko.

Condo?

“Oh, is that so? Sige na, baka ’di mo pa maabutan iyon kaya puntahan mo na.” saad ko at tumango naman siya nang nakangiti bago umalis sa hapag-kainan.

Napababa ang tingin ko sa mesa habang iniisip kung bakit nasa condo ng ibang babae si Alexis; puwede namang doon sila nag-inuman ng circle of business friends niya.

It’s not that deep.

Hindi ko na lamang dinibdib nang matagal ang nasagap ko mula kay Manang Trixie kanina dahil alam kong makaka-apekto iyon sa araw ko ngayon.

Matapos kong mag-almusal ay pumanhik na ako sa kuwarto ko na kuwarto ni Starlette para maligo at magbihis ng pang-alis.

Kinailangan ko na namang iwanan ang mga bata para magtungo sa “trabaho” ko. Bago ako umalis kanina ay naka-alis na rin si Alexis matagal na, wala pa siyang kain tapos sumasakit ang ulo dahil sa hangover, paano niya makakayang magtrabaho niyan? However, hindi rin naman akong puwedeng magpakita ng pakialam o pagmamahal sa kaniya lalo pa’t nasabi ko nang nakapagmove on na ako.

Datapuwa’t sino kaya iyong babaing nagsauli ng sweater niya?

“Boo!” felt like my soul left my body when Eiser startled me out of nowhere. He chuckled when I turned my head towards him and gave him a death glare, then he took a seat in front of me in this little balcony of his apartment. “Ang lalim ng iniisip mo, ah? Kinakabahan ka na para sa bukas, ano? Aish, pinagpapahinga nga kita rito kasi mas matindi ang ensayo natin mamaya, it’s all about operating in shadows.” aniya na may pademo-demo pa at ipinatong ang mga bisig niya sa mga hita niya.

Mirrored FatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon