Chapter 15 : kenji

62 6 3
                                    

Ariana's pov

Kilala namin si iris bilang isang straight forward na tao, wala syang pake kung masama o hindi yung sinasabi nya basta ang gusto nya lang ay maging totoo, naalala ko nung highschool palang kami ni realtalk nya yung teacher namin hahahahah, paano ba naman nag papaquiz ng 50 items e hindi naman nagtuturo, pero kahit ganyan si iris the best yang kaibigan.

"Ang aga mo namang bumisita dito iris" 7 am palang nandito na sa condo si iris ewan ko ba dito maaga nanamang mambwisit

"oh ano naman, ano ba pagkain mo jan? hainan mo nga ako nagugutom ako e" aba maka asta kala mo may ari ng bahay

"parang wala ka namang pagkain sa condo no iris kapal ah, oo na pagsasandukan kana" kung wala kang ganyang kaibigan di yan tunay, hahahah joke lang, bidabida lang talaga to

"oh, nakakahiya naman sayo" lumapit agad si iris sa lamesa at agad na sinunggaban yung pagkain, parang di pinakain ng isang tao

"ngapala be niyaya ako ni matg gumala mamaya" napatingin ako sakanya nang magsalita sya

"eh? May gala? Bakit di namin alam di nag sabi sa gc? Bago yun ah" pag gagala kasi kaming apat laging sa gc nagsasabi, bago lang dahil nag aya si matt ng gala pero wala kaming nasagap ni leo

"kaya nga e, nag message lang sya sakin kagabi gala raw kami, kami lang dalawa sabi ko nga sama kayo pero ayaw nya anong trip non?"

Umupo ako sa harap ni iris at nagsandok ng pagkain ko

"lately iba na kinikilos ni matt ang weird na nya di naman yan ganyan dati" dati si matt pag gagala talagang sasabihan kaming tatlo kaya walang naiiwan pero ano nangyari?

"ewan ko don kay matt, pahinge pa nga ako" sinandukan ko naman si iris, ang takaw neto talaga lugi sa future boyfriend neto

"sa tingin ko iris, may gusto sayo si matt"

Iris pov

"sa tingin ko iris, may gusto sayo si matt" nasamid naman ako nang sabihin to ni ariana

"baliw ka anong sinasabi mo jan" pinunasan ko naman yung bibig ko dahil natapunan ako ng tubig busit to.

"hindi mo ba nahahalata? Kasi kami ni leo halatang halata, grabe sya mag effort sayo lagi syang nag-" hindi ko na pinatuloy yung gusto nyang sabihin at sinubuan ko nalang sya ng kanin

"oh ayan kumain ka nalang daldal mo e, alam mo di ka pa nasanay kay matt kaibigan natin yan e malamang mag c-care yan issue ka talaga" akala ko ako lang nakakapansin non...

"uwi nanga ako" tumayo ako at nagsalamin

"buti naisipan mo pang umuwi akala ko dito kana titira e" pagbibiro ni ariana

"sige na uwi na ako, salamat sa pagkain mamayang gabi ulit"

"anong mamayang gabi iris, bawal kana rito inuubos mo pagkain ko bwisit ka hahaha" tumawa lang ako at lumabas na ng building nya.

Habang naglalakad ako bigla kong nakasalubong si pau

"pau? gagala ka?" tanong ko

"pupuntahan ko si ken may pupuntahan kami, ikaw? halatang pauwi ka palang ah" wika ni pau at sumabay na sya sakin pauwi dahil same lang naman kami ng pupuntahan

"san kayo pupunta?" tanong ko, nakaka curious bakit ba

"punta kami ng charity ni ken every 5 months pumupunta kami ron para bisitahin yung mga bata" namangha naman ako dahil wow naman talaga!!!

"nakkss ang bait naman talaga ni pau, buti napapayag mo si ken jan" napatingin naman to sakin na may ngiti sa mga labi

"actually hindi ka maniniwala rito, sya may idea neto nagprisinta lang ako sumama, matagal na syang tumutulong sa mga bata" speechless naman ako sa sagot ni pau

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now