Chapter 23 : Tutornemy (2)

82 11 8
                                    

Iris pov

Succesful yung plano ko na mapapayag si ken na maging tutor ko, no one can resist my beauty~ kimi pinagbantaan ko kasi si ken, no choice sya kasi sasabihin ko talaga kila josh yung secret nya, evil me naba?

3:49 pm na, simula ng pag tuturo ni ken sakin mamaya pang 4:00 pm, free ako ngayon kaya nag pasama muna ako kay ariana na kumain sa canteen.

Naglalakad kami papunta ng canteen ni ariana at hindi ko naman mapigilang ngumiti.

“oh? bakit naka ngiti ang isang iris? parang may magandang nangyari ah” tanong ni ariana

“ha? Meron talaga” maikli kong sagot at ngumiti ulit at may patalon talon na naglalakad

“bakit ano nangyari? nakapulot ka ng piso? Oh nakakain ka ng favorite mong sinigang? Alin don?” napatingin agad ako kay ariana ng banggitin nya 'to

“hindi ah grabe kana ha” wika ko at ngumiti

“eh ano? Kung maka ngiti ka jan parang di ka namomroblema sa up coming exam nyo ah?” ariana

“ano ka ba! 'wag kang mag alala makakapasa ako” saad ko with confidence, si ken na yung mag tuturo sakin e for sure makakapasa na ako neto

“iris!” napatingin naman kami ni ariana ng papalapit saamin si matt at leo

“magkasama nanaman ang mga unggoy” asar ni ariana kila leo at matt, tumabi naman si leo kay ariana at pumunta sa gilid ko si matt

“kanina ka pa nakangiti ah, balita ko may exam kayo ah” sabi ni leo at inakbayan si ariana

“napaka chismoso mo talaga, tsaka ilayo mo nga yang madumi mong mga kamay sa balikat ng bff ko” sabay kuha ko kay ariana at nagtawanan naman kami, friends thing

“si ariana lang bff mo? Paano kami ni matt?” digtong ni leo

“simula nang magustuhan mo si ariana we're not friends anymore” pagsusungit ko

Yumakap naman 'to kay ariana at umiyak “huhuhu ria oh yung kaibigan mo inaaway nanaman ako” iyak neto na parang bata

“asus joke lang parang bata naman to si leo halika nga rito payakap si mama” lumapit ako kay leo at niyakap sya sabay konyat

“aray!” pag angal neto at hawak sa ulo

“para kang sira leo, tanghaling dapat na b-bwisit ako sa pag mumukha mo” saad ko at tumawa naman sila matt.

“pag hindi ka nakapasa pag tatawanan talaga kita” dugtong ni leo

“hah! Makakapasa ako itaga mo 'to sa bato, pag nakapasa ako bibitayin kita sa puno” sabay sipa ko kay leo pero naka iwas ito

“yan nanaman kayo” pag pigil ni ariana.

Nakarating na kami sa loob ng canteen at dumiretso sa nag titinda ng banana q, bumili ako ng isa sa halagang ₱15, at palamig na halagang ₱10, diba sabi ko mag titipid na'ko, bukas nalang siguro, samahan nyo'kong mag tipid.

Pabalik na kami sa room namin, nasa hallway palang kami at puro kami tawanan dahil inaasar ako ni leo dahil nga sa test namin 150 items, hindi raw ako makakapasa, hah! Hantayin nyo lang.

“Wag kana mag test iris, ok na 'yang 30/150 mo” pang aasar sakin ni leo at kinurot ko yung anit nya

“kanina pa ako nanggigil sa'yo, mahiya ka naman sa 7/50 mong score” ngayon pa lang na di pa nasisinulan test namin gusto ko bang isabit sa puno si leo, kainis.

“bye na be!!” paalam ni ariana dahil nasa tapat na kami ng office at sila pabalik na sa room nila at ako saan pa ba? Edi rito sa kaharian ni ken na mala impyerno.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now