Chapter 27 : Slow realization

72 10 2
                                    

Iris pov

Nandito ako sa room namin at hindi muna ako bumaba ng office para makapagpahinga si ken.

Umupo ako at lumapit sakin yung tatlo "ang aga mo rito ah, ngapala nabalitaan ko nanyari sa'yo talagang pabibo 'yang si jin e" panggigigil ni ariana at may pa amba amba pa ng kamay

"oh ikalma ariana" sabay hawak ni leo sa mga braso ni ariana, malalandi talaga

"ayos ka lang? Nasaktan ka?" tanong ni matt, taena concern ba 'to sakin? Parang hindi si matt to ah

"para paraan ka nanaman matt" pang asar ni leo kay matt at hindi naman sya nilingon ni matt kundi ay nakatingin lang sakin si matt, aba hilig yata ng mga tao ngayon titigan ako ah, alam ko naman maganda ako pero pwede ba dont stare at me~ huuuy english yun ah

Unless kung si ken ka. Kemee!!

"ayos lang ako, konti nalang talaga mabibigyan ko na ng ube sa mata yang si jin e" lumapit sakin si ariana at hinimas himas yung likod ko

"ikalma ang kiff- HUUUY!! Eme kumalma ka be" napatawa naman si leo pati si ariana dahil sa katarantaduhan neto HAHAHAHAH

"par samahan mo nga ako, ariana labas muna kami ni matt oh iris baka mamiss mo agad si matt ha ibabalik ko rin sya agad" saad ni leo

"eh kung pagbuhulin ko kayong dalawa? Umalis nanga kayo" irita kung sabi at lumabas na sila, kagigil talaga tong si leo.

Bumalik ako sa pagkakasandal sa upuan ko at tinignan ako ni iris "so be, may tanong ako" napalingon ako kay ariana bigla

"ano?" tanong ko, nginitian naman ako ni ariana na kala mo'y nangaasar na ewan

"naalala mo yung nakulong kayo ni ken sa pv-room?" tanong nya, napa ayos naman ako ng upo dahil sa tanong ni ariana

"oh anong meron?" tanong ko, mukhang hindi maganda itatanong neto ah

"so eto ngaaa!!" huminga 'to ng malalim at tinignan ako sa mata, ako naman nag aantay sa itatanong nya

"yung pag ka bukas ng pinto non, napansin ko kasi na nakatingin ka kay ken? At girl kilala kita alam kong nbsb ka at sinabi mo saakin na never kang mag b-boyfriend, but i'm telling you... Nakangiti yang mga mata mo pag nakatingin ka kay ken, napapansin ko yan lagi, sabihin mo nga si ken ba yung type mo sa lalaki?" nakaramdam ako ng init sa katawan at namumula sa tanong ni ariana.

Hindi ako makasagot sa tanong ni ariana, kahit ako hindi ko rin maintindihan "ha?"

"ang sabi ko si ken ba yung type mong lalaki?" ulit neto sa tanong nya

"ha? Hindi ah! Hard pass kay ken" pag iwas ko sa tanong nya

"mahitsura naman si ken ah?" dagdag ni ariana

"gwapo nga maldito naman" wika ko at tinarayan si ariana, ngumiti naman 'to sakin "ngiti ngiti mo jan?"

"so gwapo nga?" napakagat ako ng labi dahil sa sinabi ko, nababaliw nanga ako sa office pati ba naman dito sa room?? Wala na mamahinga na ako

"heh! Wag mo nga akong kausapin ariana" tumalikod ako at hinarap yung bintana. Wtf sinabi ko bang pogi si ken? Di kaya mukha syang manok

"asus iris alam mo 'yang mga ganyan ganyan mo-" napuno na ako dahil napaka daldal netong babaita na 'to

"ariana!! Hindi ko sya gusto ok?"

"wala akong sinabi na gusto mo sya iris" nagulat din ako sa sinabi ko at walang lumalabas na salita sa bibig ko. AAAAAAAA

Tumayo ako at lumabas "saan ka pupunta?" pag tawag sakin ni ariana pero sinundan 'to ng tawa nya, mygooosshh nakakabaliiiww!!!

Sa paglalakad ko nakasalubong ko sina matt at leo

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now