Chapter 33 : ken's thought

67 14 2
                                    

Iris pov

Hindi parin tumitigil yung apat sa pag aasaran, lalo na 'tong kuya at bunso dahil ang lakas mang asar ni jah, eto naman si josh banas na banas di nya mahawakan si jah dahil naka tago to lagi sa likod ni ken para silang aso't pusa kung mag asaran HAHAHAHHAHAHA

Nakaupo lang kami sa sofa nag k-kwentuhan at si ken naman ano pa ba? Edi nasa table nya nagbabasa ng libro, konti nalang mapagkakamalan ko na syang libro dahil walang oras na hindi nakatapat yung libro sa mukha nya.

“so iris, what's your hobbies?” napa angat ako ng ulo nang tanungin ako ni josh.

“hobbies? Marami, kumain, watching movies, mag laro ng kung ano ano, basta marami bakit ni natanong?” tanong ko kay josh dahil ang random ng tanong nya.

“wala, tinitignan ko lang if you and ken have something in common” sinundan naman to ng mapang asar na ngiti ni josh at pinapaalala sakin yung sinend nyang picture sakin na katabi ko si ken habang natutulog sa library, bwisit to.

“random mo josh, siguro nung ginagawa ka ng panginoon napag random nya yung height mo” banggit ni jah at tinignan lang sya ni josh na may ngiting pilit, once na makalayo to si jah kay ken maghahabulan tong dalawa for sure.

“yan nanaman kayo” pau.

“ngapala may announcement mamaya, stell pwede pa set ng mic?” tumayo si stell at pumunta sa kabilang kwarto ng office at inaasikaso yung sinabi ni pau na ayusin yung mic para sa announcement.

“bakit anong iaannounce mo?” tanong ko habang kumakain ng saging sa lamesa.

“mamaya malalaman mo bawat spoiler” at sinundan to ng tawa ni paupau.

Nilagay ni pau yung pinagbalatan nya ng saging sa lamesa at tumayo at dumiretso sa announcement room.

“goodafternoon students” panimula ni pau habang nagsasalita sa mic na rinig sa bawat sulok mg school kahir cr yata rinig, eme

Nakinig kaming mabuti lalo na'ko dahil curious ako sa iaannounce nya.

“for sure all of you magiging matutuwa sa aking sasabihin, because we will be having a prom night next week!! We're going to announce the theme tomorrow before break, that's all” Pagtatapos ni pau at bumalik na sa lamesa at umupo.

“may prom night????” napatayo at gulat kong sabi

“meron, every year 'to di kaba nakasama nakaraang prom?” tanong ni pau at umupo naman ako pabalik sa sofa at may hawak hawak na saging sa kamay.

“hindi, kasi yung last prom by partner, e wala naman akong partner kaya hindi na'ko pumunta” saad ko at sumubo ng saging at sumimangot, inaalala yung nakaraang prom, akala ko may mag aaya sakin non dahil nagpakabait naman ako last year ah... Ang papangit nila.

“ngayon ba with partner ulit?” tanong ko

“siguro?” walang kasiguraduhang sagot ni pau

“nako sana naman pwede kahit magisa, kawawa naman ako kung ganon, tsaka prom yun dapat magpakasaya lang partner partner pa mangiiwan din naman” binigyan naman ako ng mapang asar ni josh at mukhang may di magandang iniisip.

“ngiti ngiti mo jan? Tuhugin ko ilong mo jan” pagsusungit ko at ngumiti lang si josh

“ang bitter naman talaga iris” inirapan ko si josh, depressed nanga yung tao rito nakuha pang mang-asar

“ikaw ken sasama ka prom?” tanong ni stell at lumingon sya kay ken na busy sa pag babasa

“i dont know about that” maikling sagot ni ken at inilipat ang susunod na pahina ng librong binabasa nya.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now