Chapter 17 : infatuated or nah?

65 5 3
                                    

Iris pov

Nakatulala lang ako sa kisame ng office habang busy yung isa sa mga ginagawa nya, hindi naman ako pwedeng lumabas ng kwarto dahil konting kibot ko lang nakabantay agad si ken kala mo naman aanuhin lalabas lang naman.

“ken wala kabang ipapagawa sakin jan? Nababagot na ako e!! Bawal ba talaga ako mag cellphone?” pagangal ko dahil ang naririnig ko lang yung tunog ng elecrtricfan pati mga sigawan ng mga studyante sa labas nakainggit!! Naalala ko tuloy yung babaeng nasipa ng bola sa mukha lagapak e, tapos ako pa nasisi what a nice!!

“are u bored? Then do something?” napaupo ako bigla nang magsalita si ken habang nakatutok padin 'to sa laptop nya.

“something like what??” ay pak english

“i dont know? Maybe help me to check this paper?” hala hui si ken pumaparaan ikaw ha, emee

Lumapit ako sa lamesa nya at umupo sa harap nya at tinignan lang yung mga papel

“hindi kusang gagalaw ang mga papel delafuena” pag talaga gumalaw bigla yung papel sinasabi ko sayo ken

“oa naman neto, eto nanga e” kinuha ko yung ballpen at kumuha ng papel, mga test paper pala

“test paper?” tanong ko sa sarili ko alangan naman sa papel

May answer key naman akong ginamit kaya hindi ako nahirapan, pero si ken hindi sya gumamit ng answer key mukhang alam na alam nya yung mga sagot, oh edi ikaw na!

Halos dalawang oras kami nag check ng mga papel dahil sandamakmak pala to di ako ready para dito halos namumula na mga daliri ko!!

Sumandal ako sa upuan at bumuntong hininga, pampabawas ng stress pinaglaruan no yung ballpen na nasa kamay ko, pinaikot ikot ko ito kasi wala lang bakit ba nakakapagod e, parang mas malala pa to sa impyerno!!

“check this” napatingin naman ako kay ken nang maglapag sya ng halos kasing laki ng tumbler ko na mga papel, ang dami!!!! AYOKOOO NAAA!!!

“ang dami!!” halos mangiyak ngiyak ako sa nakita ko, papatayin yata ako neto ni ken joshkopo

“then dont do it delafuena” Gusto ko nang pisain si ken this timeee!! Talagang inuubos nya pasensya ko!!!

“eto na i checheck nanga e eto naman di mabiro ikaw talaga” no choice ako kaya bumalik ako sa pag c-check pero this time ako nalang yung nag c-check dahil si ken busy sa laptop nya at andami nya ring ginagawa, feeling ko mas mahirap yung akin kasi ang sakit sa kamay sa daliri, lord ano ba 'to!!

Halos makabisado ko na yung mga sagot sa mga papel dahil sa paulit ulit kong chinechekan yung papel, bakit ngayon ko lang nalaman na si william shakespeare pala yung nag sulat ng 'romeo and juliet' akala ko si Taylor swift.

“ken!” napatingin ako sa taong pumasok sa office, si josh pala

Tinignan lang sya ni ken pero bumalik lang sa ginagawa nya, umupo si josh sa tabi ko at tinignan ako

“napak bait naman talaga nyan masunurin na bata” pang asar ni josh

“sige mangasar ka josh sinasabi ko sayo lalong iikli yang bangs mo” tumawa naman si josh at kumuha ng ballpen at paper para tulungan ko

“yan ganyan! Tulungan ako hindi yung aasarin mo'ko, oh eto oh answer ke–” napatulala ako nang sunod sunod nyang checkan yung papel, hindi nya rin need ng answer key! Anong utak ba meron sila?? Ano bang kinakain nila sa umaga??!!!!

Bumalik ako sa pag c-check, halos si josh nanga makaubos ng papel ang bilis nya!!

“DONE!!! WOO!” napasandal ulit ako na kala mo'y natanggalan ako ng tinik sa lalamunan makakapagpahinga narin ako!!

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now