Chapter 7 : Matt's feeling against iris

54 4 0
                                    

Iris pov

Gabi na at nasa labas kami ng tent at nagpapainit sa bonfire, nagkakasiyahan kami dahil nagdala pala ng guitara sina pablo at stell, kinantahan nila kami at nagsabay sabay.

Paglingon ko hindi ko makita si ken kahit saan wala sya, tinignan ko ang oras at 8:14 pm na. Tinignan ko yung bus wala sya.

“Saan kaya nagpunta 'yon?” bumalik ako sa pwesto namin at nagkakantahan parin sila.

Kinalabit ko si justin at lumingon ito “Jah asan si ken?” napa-kunot nuo sya sa tanong ko.

“Sinong ken?” ay potcha ako lang pala nakakaalam sa nickname nya na yon..

“Si felip, nasaan?” naliwanagan sya sa tanong ko “Ahhh ayun oh” tinuro nya yung upuan sa gilid pero wala sya.. “Uh anjan sya kanina ah, ewan ko e”

Bumalik nalang ako sa inuupuan ko at nakihalubilo sakanila, sigawan, tawanan lang ginawa namin buong gabi.

Lumipas ang oras at nagsibalikan na ang iba sa kani-kanilang tent at yung iba sa bus natulog para bantayan.

“Tara na be” aya sakin ni ariana

“Mauna ka na be sunod na ako, magpapahangin lang ako” she nod and leave.

Pumunta ako sa gilid ng dagat at lumanghap ng sariwang hangin.

Habang nagpapahangin ako maynaririnig akong tugtog ng guitara.

“Saan galing yon?” sinundan ko yung tunog, napunta ako sa isang gilid ng dagat at may nakita akong lalaki na nakaupo duon at kumakanta ng MOVING CLOSER BY FELIP

When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you”

Medjo familiar ako sa boses... Parang narinig ko na yung boses na yan... Nagtago ako sa gilid at pinanuod 'to.

“Inch by inch, we're moving closer
Feels like a fairytale ending
Take my heart, this is the moment
I'm moving closer to you
I'm moving closer to you” patuloy nito sa pagkanta.

Naaninagan ko yung side profile nya... Matangos ang ilong at magagandang mga labi, parang biglang tumigil ang oras ko dahil sa ganda ng nakikita ko... Si ken!!!

“Ang gwapo...” paghanga ko dahil grabe, dahil saktong sakto nang bigla syang gumilid at nakita ko yung sideprofile nya ay biglang nagliwanag ang buwan.

“I can see you delafuena” halos mahiwalay yung kaluluwa ko nang magsalita si ken.

Lumapit ako sakanya at umupo sa tabi nya

“Ang galing mo pala kumanta?” wika ko at tumingin sakanya habang sya ay nakatingin sa buwan.

Hindi sya nagsasalita at bumuntong hininga

“What are you doing here? Its already 10” he said with sleepy tone.

Namula ako dahil sa tono ng boses nya.. shet.

“Ha? Wala ano kasi magpapahangin lang sana ako gusto ko kasi muna mapagisa e kaso ang ingay mo nasira tuloy moment ko” sabay tawa ko ng mahina, di manlang sya tumawa nakakatawa kaya yun.

Tumingin sya sakin at napalunok ako, bwisit na mga tingin kasi yan nakakabaliw

“Bumalik kana sa tent nyo” tumayo ito at binitbit yung guitara nya at umalis.

Bumalik narin ako sa tent at humiga sa tabi nila ariana, grabe lakas humilik kababaeng tao.

Nakatingin lang ako sa bubong ng tent namin habang inaalala yung sideprofile ni ken pati narin ang boses nya.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now