Chapter 26 : False alarm!!!

77 12 3
                                    

Iris pov

Sa tuwing nahuhuli kong nakatingin sa'kin si ken nararamdaman ko yung kaba na may kilig sa loob ko, ang galing nya lang sa part na kaya nyang makipag titigan sa tao...mata sa mata kaya ang daming nagsasabi na hindi nila kayang makipag titigan kay ken dahil mahuli mo lang na nakatingin sya sa'yo maiisip mo agad kung may nagawa ka bang mali o wala. Bwisit na mga siren eyes kasi 'yan.

“anyway delafuena, tomorrow pumasok ka ng maaga may events bukas and we need people to help” nabalik ako sa realidad nang magsalita si ken.

“events? Ano?” tanong ko, alangan naman hindi ko tanungin actually pwedeng hindi naman... Pero tanungin na natin

“Class A-club will having a new project again so we need to set up the court” saad ni ken at kinuha nya yung mga record book nya.

“anong gagawin ko don?” dagdag ko sa tanong ko at tinignan ako ni ken at bakas sa mukha nya yung inis. Ang bilis nyang maasar hahahaha

“i dont know, baka sasayaw ka ron” pilosopong sagot ni ken

“eto nag tatanong ako ng maayos tapos ganyan isasagot sarap anuhin” kairita tong si ken pasalamat ka pogi ka.... CHARIIIIZZZ

“ofcourse, tutulog ka sa pag aayos ng mga upuan ano pa ba?” bigla akong may naalala sa sinabi ni ken, napaisip ako at tumingin kay ken

“nanaman?!!” pasigaw kong angal kay ken, aba ayoko na kaya nakakapagod ang lawak lawak non?!!

“pwede bang mag salita ka nang hindi sumisigaw?” napatakip ako ng bibig nang pagalitan ako ni ken, napaka arte

“ang lawak lawak non ken nakakapagod kaya!” ani ko at sinimangutan si ken na nagbigay naman sya ng masamang mukha saakin

“yes, umaangal ka?” ngumiti nalang ako at umiling, di ako pwedeng tumanggi dahil yari ako kay sir. Nel sa kalbo na yon. Magsama sila ni ken

Bumalik nalang ako sa sofa at umupo, yumuko ako sa lamesa at tumingin sa sahig.

Lakas talaga ng topak neto ni ken kahit kailan talaga, first meet namin minaldituhan agad ako hanggang sa makasama ko ganon padin, sarap budbudan ng asin.

“Ken pwede ako lumabas?? Nababagot na'ko-” napatigil ako sa pag sasalita nang mawala si ken sa inuupuan nya, tumingin ako kung saan saan wala sya.

“Saan napunta yon?” sumilip ako sa labas at tumingin sa kanan at kaliwa wala potek hilig nyang mawala.

Lumabas muna ako at pumunta ng canteen dahil mukhang nagugutom na ang bakunawa sa tsyan ko kawawa naman kung di ako kakain.

Naglalakad ako sa hallway papunta ng canteen ng biglang may babaeng tumatakbo sa direksyon ko at nabangga ako, napaupo sya at yung mga notebook nya nagkalat. Lumapit ako sakanya at agad syang kinunsulta

“hala sorry, ayos ka lang?” bakas sa mukha ng babae yung takot, agad na agad syang tumayo at tinulungan ko syang kunin yung mga notebook, hindi sya nagsasalita at palingon lingon sya sa likod nya na tila may inaabangan

“ayos ka lang? May humahabol ba sa'yo?” tanong ko at tumingin sakin yung babae na.... Umiiyak?!

“teka huy! Bakit ka umiiyak? Masakit ba yung pagkakatumba mo? Hala sorry kasalanan ko nakakalat kasi ako e sorry pabibo lang” tumulo na yung luha ng babae at hinawakan yung mga kamay ko

“ano ba nangyari?” tanong ko

“HOY!! MELA!! BUMALIK KA RITO!” napatingin ako sa likod ng babae na si mela nang biglang may isang pamilyar na babae na sumigaw at papalapit saamin na galit na galit. Nag tago sa likod ko si mela at naramdaman ko ang higpit ng paghawak nya sa mga braso ko.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now