Chapter 2 : First Violation

87 6 0
                                    

Nakauwi na ako sa bahay, ay grabe nakakapagod pero buti nalang at sinalubong ng baby ko.

"ang baby ko nayan!! how are you? kumain kana??? achuchuchu nayan kawawa namang ang miming ko nayan nagugutom na, sorry na late ng uwi si mommy naabutan kasi ako ng ulan e, halika kain kana" pang b-baby ko sa pusa ko my BABY!!!

Nilagyan ko sya ng catfood sa lagayan nya at umupo ako sa lamesa ang binuksan ang century tuna at kumain nadin.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko tinawagan ako ni ariana.

"ris nakauwi kana?" pagaalala neto

"oo be salamat ha nag alala kapa" pilosopo kong sagot, pano kasi iniwan ako alam na wala akong dalang payong.

"sorry be hahaha, nalaman konga na nauna narin sayo si matt kala ko magkasabay kayo kaya hindi ako masyadong nagworry" pagaalalang sabi ulit ni ariana.

"alam mo ba be may nakasabay ako sakanya, actually hindi pa dapat ako nakauwi kung di dahil sakanya" ichichika ko naa!!

"so ano nangyari??" tanong nya

"so eto nga be, diba naiwan ako don tapos may lalaking dumating basta yon sumabay ako sakanya kasi may payong sya be ang bango nya bosit, kaso di namamansin kaya nakakahiya naman tanungin" sabay irap ko.

"ikaw kung kanino kanino ka nalang sumasama mamaya kung ano pa mangyari sayo" sabay tawa neto ng mahina.

"e kesa naman sa iba jan!! iniiwan yung kaibigan sa kalagitnaan ng ulan" pagpaparinig ko

"sorry nanga e, bawi ako sayo bukas promise" aba dapat lang bumawi kayo!!

"siguraduhin mong babawi ka ariana nako talaga!"

binabaan nya na ako ng phone dahil anong oras na at maaga pa ang pasok ko bukas at may program pa kaya bawal ma late, bumiga ako sa napaka linis kong higaan (kahit hindi) at natulog while playing "surreal by justin"

"hmmmm!! goodnight!!!" pag inat ko at pumikit na.

Alas tres ng madaling araw naalimpungatan ako dahil umulan bigla

"SHOCKS!! YUNG UNIFORM KO!!!" agad agad akong tumakbo palabas at yun!! nabasa ang uniform ko kasama na medyas ko!!!!

pinasok ko ito at nilagay sa electricfan hoping na sana matuyo. Bumalik ako sa pagkakahiga ko at binuksan yung cellphone para tignan kung anong oras na...

"3:49 na, HINDI AKO MAKATULOOOGGG"

Nagcellphone lang ako magdamag, kaka scroll ko nakita ko yung account ni FELIP inistalk ko ito dahil na curious ako.

"hmmm grabe introvert na sa personal pati ba naman sa social media, hanep ah"

Napunta ako sa featured nya, ang nakita ko lang ay picture nya at yung alaga nya yatang pusa na kulay itim, ang cute!! bagay sila ng miming kong si rocky, kulay white pa naman yon o diba black and white.

Sa sobrang pagiging pakilamera ko nakita ko yung picture nya nung bata pa sya.

"HAHAHAHHA, grabe mukha pa syang goodboy dito ah amoy hindi gagawa ng kasalanan, heh tama nanga"

pinilit kong matulog dahil naalala kong may pasok pa pala, grabe tinatamad ako sa totoo lang.

-SKIP TIME-

Nagising ako bigla nang marinig ko yung alarm ko.

"anong oras na?" kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung oras.

"7:02 AM??? LATE NA AKOOOO!!!"

Hindi na ako naligo, nagbihis agad ako at sumakay papunta ng school.

"Nako yari ako netooo!!!"

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now