Chapter 28 : Night / fight

89 11 6
                                    

Iris pov

This is the worst night ever!! WORST!!! parang may galit talaga sakin ang mundo, talagang pinagsama pa kami neto ni ken?!! Eh presensya nya palang 'di ko na kaya, makasama pa kaya sya ng isang gabi?!!

Lumapit si nay palma kay ken at humawak 'to sa mga damit nya “iho, maganda naman 'tong si iris hindi ba?” tanong ni nay palma at tinignan naman ako ni ken na may pandidiring mukha sarap sapatusin!

“not even a single yes nay, she's a mess” pag tanggi ni ken sa tanong ni nay palma, maganda naman ako ah, laging sinasabi ni mama yon

Tumawa ng mahina si nay palma at nagpatuloy na kami sa paglalakad at bumaba.

Di nagtagal nandito kami sa condo ni nanay at wala syang bisita, talagang wala! Kaming dalawa lang yata bisita ni nay palma.

Pinaupo kami sa sofa, ako naman ay umupo habang si ken umupo sa harapan ako, kung makaiwas kala mo naman ako yung 99% germs sa safe guard.

“nay, bakit kami lang? Asan yung iba?” tanong ko, naglapag si nay palma ng juice at tatlong baso at isang plato na malaki na puno ng spaghetti my favorite!!

“Busy daw sila” sagot ni nay at umupo sa tabi ko

“ganon po ba? Ngapala nay happy birthday po, ilang taon kana?” tanong ko ulit

“53 na'ko, nagtatampo nga ako sa asawa ko hindi sya makakapunta ngayon dahil busy sya sa probinsya at inaasikaso yung mga alaga nya” saad ni nanay at naglagay sya ng juice sa mga baso at binigay saamin.

“hindi naman sya ganyan dati, dati kahit may trabaho sya nagagawan nya ng paraan pero simula nung nalaman nya na hindi ako pwedeng mabuntis... Nag bago sya” sa pagsasalita palang nya nararamdaman ko na yung sakit na naranasan ni nay palma, kaya niyakapan ko si nay palma at sumandal naman 'to sa braso ko

“kaya kayo ha kahit anong mangyari wag kayong mag sasawa sa isa't isa” napatingin naman ako kay nay palma na may gulat sa mukha at nasamid naman si ken

“nay ngayon palang nagsasawa na ako jan” ani ko at tinuro si ken

“so am i.” mahinang sagot ni ken at pinunansan nya yung sarili nya

“wow ah, lagi nga kitang nakikita na nakatingin sakin” pang aasar ko sakanya at dinilaan sya

“huh? Its just because kung ano ano pinagsasabi mo” saad ni ken at tinignan ako ng masama

“ah talaga edi sana pinabillboard mo!” pilosopo kong sagot, tinaasan naman ako ng kilay ni ken

“see?”  narinig ko namang tumawa ng mahina si nay palma at tumingin ako sakanya.

“ganyan na ganyan kami dati” wika ni nanay at ngumiti ito

“ay nay kung kayo happy ending kami...” hindi matuloy yung sasabihin ko dahil taena be nakatingin nanaman si ken mukhang hinahantay kung anong susunod kong sasabihin, umuurong dila ko pota.

Kung pag papatuloy ni ken yung ganyang pag titig nya baka mayari ako neto delikado. STAY PUSONG BATO IRIS KAYA MO YAN

Hindi ko nalang tinuloy yung sasabihin ko dahil nakaka pressure yung tingin ni ken nakakinis.

Kumain nalang kami, nag handa si nay palma ng spaghetti, maja, at juice busog nanaman ako neto.

“kumain lang kayo jan, sandali lang mga anak at may kukunin lang ako” pagpapaalam ni nay palma at lumabas sya, naiwan naman kami ni ken sa loob ng condo ni nanay.

Sobrang tahimik ng buong kwarto, ako busy ako sa pagkain at si ken naman busy sa cellphone cellphone nya. Wala isa saamin ang balak na magsalita dahil nababanas ako rito sa manok na 'to

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now