Chapter 9 : silly joke

52 4 2
                                    

Iris pov

Katabi ko si matt sa bus habang nasa harap naman namin sila leo at ariana na naglalandian, kairita tong dalawa talagang dito pa nagkalat mg kalandian

Sinipa ko yung upuan nila “Hoy kayong dalawa, ang likot nyo e kung ihagis ko kayo?”

Nagsitingan naman sila sakin at tumawa kala mo may nakakatawa.

“kj talaga neto ni iris, anjan si matt oh” sinundan naman ito ng tawanan nila

“manahimik nga kayo, titigil kayo o lalagyan ko ng glue yang mga bibig nyo” tumahimik din naman sila at sumandal sa upuan ko habang si matt nag c-cellphone.

“matt” tawag ko sakanya at lumingon naman sya

“hmm??”

“ano nga pala yung sasabihin mo? Lumayo ako kanino?” talaga di ko maintindihan yung sinabi nya na yon dahil nga sa pagtawag ni stell kaya tinanong ko

“ha? yun ba? wala yon tsaka nakalimutan ko narin” wika ni matt

“ganon ba?” napasandal nalang ulit ako sa upuan ko at tumingin sa bintana ng bus, malayo layo pa yung byahe namin napatingin naman ako sa likuran at nakita ko yung bus na sinasakyan nila ken.

“ano kayang ginagawa ni ken?” tanong ko sa sarili ko, wala lang curious lang bakit ba

Napagdesisyunan kong matulog muna dahil masarap matulog pagnasa byahe malamig at komportable, favorite ko talaga yung ganito plus 1:13 am na kaya sobrang lamig neto!!

Lumipas ang oras at isa isa na kaming binaba ng driver namin sa harap ng condo namin dahil 3:41 am na, pagbaba ko nakita ko naman si ken na bumaba ng bus, sakto may kasabay ako!!

Tumakbo ako papalapit sakanya pero di sya lumingon at nagpatuloy sya sa paglalakad papasok ng condo

“ken! wait a minute kapeng mainit!” pagmamadali ko at sumabay sakanya habang bitbit yung bag na dala dala ko

Umakyat na kami at pumunta sa kani-kanilang kwarto, magkatapat lang kami ng pinto alam nyo na 'yon!

“shocks!” wait nooo it cant be!! Nawawala yung susi ko!!!

Hinanap ko sa bag, wallet yung susi ko pero wala!! Mygooossshh ayokong matulog sa labass!!!

Binusisa ko talaga lahat ng gamit ko pero wala.

“takte anong gagawin ko!” napatingin ako sa pintuan ni ken na nakasarado na.

“what if kumatok ako? Di ba masyadong nakakahiya? I mean wala akong matutulugan neto ee!!” kinatok ko yung pintuan nya ng paulit ulit pero walang sumasagot

“tulog na yata to” umupo muna ako sagilit ilang minuto pa ang lumipas  biglang magbukas yung pinto nya

“what?” tanong ni ken, nang tumingin ako sakanya nagulat ako dahil nag t-toothbrush sya, naka bathrobe lang sya nakababa yung buhok nya at basang basa.. mygosh... Not gonna lie he is so freaking hot! Aaaaaa!!!

“k... Ken ano kasi hahaha... Nawala ko yung susi ko” utal utal kong sabi dahil sinong di mauutal don???? Ang ganda ng shape ng body nya!! i cant!!

“so? what am i suppose to do?” pogi at matalino nga masungit naman busit

“pwede ano... pwede makitulog jan? Ngayon lang naman kaso sarado yung office sa baba e tsaka wala nang magaayos ng mga pinto ngayon madaling araw na” hoping na sana papasukin nya ako!! Ken sigi na!!

Tinaasan nya ako ng kilay na kala mo'y hinuhusgahan buong pagkatao ko, grabe kana ken paawat ka

“bawal?! Magkapit bahay naman tayo kahit minsan maging mabait ka naman sakin 'to naman kahit sa sofa lang ako ayos lang” pag to di ako pinapasok bibirahin ko 'to, char

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora