Chapter 22 : Tutornemy

61 5 2
                                    

Iris pov

Feeling ko hindi na ako maboboring dito sa loob ng office, pinahirapan mo'ko ken ha, papahirapan din kita kala mo ha, baka si iris diane delafuena to? Kilalanin mo binabangga mo jhon felip suson!!

Nasa loob lang kami ng office ni ken, ako ganon padin nag c-check ng papers, at si ken busy sa laptop nya.

“next year pa yata 'to matatapos” pag angal ko.

Sumandal muna ako sa upuan at tumingin sa kisame “aaaa ayoko na ang sakit sakit na ng mga daliri ko!”

Napatingin ako kay ken nang bigla syang tumayo at iniligpit mga gamit nya.

“saan ka punta?” hindi pinansin ni ken yung tanong ko, napaka snabero kala mo talaga.

“lah kinakausap to oh” pag dugtong ko

“i have class.” maikling sagot ni ken, napatayo ako bigla dahil may same kaming class ni ken ngayon kaya sasabay na ako sakanya, nag madali na ako dahil nauna nang lumabas si ken.

“wait lang!” hindi ko na naayos yung bag ko at ang gulo gulo na sige lang ako ng pasok ng mga gamit, mga notebook at libro ko.

Lumabas na ako at sinara yung pinto ko, bigla namang nawala si ken “ang bilis naman mag lakad non lumipad yata 'yon e”

Nagpunta na ako ng building 4 kung saan may history class kami, pag pasok ko nasa loob na si sir at ako nalang yata ang late kaya sumilip silip lang ako

“delafuena! Anong sinisilip silip mo jan? Pumasok kana rito!” sigaw ni sir Joseph prof namin sa history, isa rin tong masungit at madaming pinapagawang activity kaya parehas kong ayaw kay sir. Nel at sir. Joseph

Pumasok ako sa loob at umupo sa harapan dahil duon lang mag bakante.

Nag turo na si sir, hindi ako makapag focus dahil tinatamad ako, well lagi naman nakakatamad kaya makinig ng history ang boring, paguusapan nyo yung nga bones ng mga tao nugagawin ko jan e pagtapos ko nag graduate mag aasawa na ako ng mmm, means matandang madaling manata- eme.

Lahat sila naka focus sa pakikinig pero ako naka tulala lang iniisip kung ano uulamin ko mamaya, 555 tuna ba o century tuna? Both tuna e...

“class, nag check ako ng record maraming bagsak! at hindi ako natutuwa lalo ka na ms. Delafuena!” nabalik ako sa realidad nang tawagin ni sir surname ko kaya napatingin ako

“sir?”

“bagsak ka sa lahat ng subject ko, performance mo hindi kumpleto, mga test mo mababa, hindi ka rin nag r-recite! Pag tinawag ka naman wala kang maisagot!” pinagalitan ako ni sir dahil sa mababa nga grades ko, GRADES DONT DEFINE... M... AY BASTA HINDI NASUSUKAT NG GRADE ANG KAGANDAHAN KO PERIOD.

“kaylangan mo bumawi, dahil magkakaroon tayo ng 150 items test”

“sir?”

“ang dami!!” angal ng mga studyante kabilang na ako

“umaangal kayo? Bibigyan ko kayo ng one week to review oh sapat na 'yan” saad ni sir at umalis na ito dahil 30 min lang yung klase namin sa history every wednesday, sana everyday.

Nag si labasan na lahat ng studyante kabilang na'ko at nag lakad lakad muna ako sa hallway dahil pabalik na ako ng office, at iniisip paano ako makakapg review ng 1 week? Eh di ko alam saan sisimulan?!

“iris!” nagulat ako nang biglang lumitaw sa harap ko si iris

“be may exam kami 150 items!” sabi ko kay ariana at nagulat naman 'to

“WE?? SERYOSO? 150? Hulaan ko kay sir. Joseph yan” napatingin naman ako sakanya dahil paano nya nahulaan?!

“omsim be, kainis talaga 'yang si sir” tinawanan naman ako ni ariana dahil di sya maka relate kasi hindi nila subject teacher si sir. Joseph edi wow

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now