Chapter 19 : ken speak!

67 3 1
                                    

Iris pov

Buong oras nag asaran yung dalawa, si josh at justin dahil nga pinupuna ni justin yung height ni josh, baliw talaga tong dalawa.

“mahiya kanga sa butas ng ilong mo jah, pwede na gawing portal papunta sa encantadia” pang aasar ni josh kay jah, at humalakhak naman kami ng tawa, si pau kala mo huling araw nya na kung maka-tawa.

“oo tapos ikaw si lolo imaw, mag ka height kayo” nagulat naman kami nang sunggaban ni josh si jah at pinagsasakal sakal (not seriously, just teasing each other)

“tumigil nanga kayong dalawa, eto naman kasing bunso na 'to e inaasar pa ang kuya e alam mo naman yan si josh, small but terrible”  ewan ko kung pinagtatanggol ni stell si josh isa ring nangaasar e

“isa ka pa stell tigilan mo'ko magsama nga kayo ni justin” umupo naman si josh sa tabi ko at bumulong saakin

“kurutin mo nga yang dalawang yan tulad ng ginawa mo sakin” pabulong na sabi ni josh

“mag susumbong ka pa, e parehas kayong mag ka height” napatingin naman ako bigla kay justin nang magsalita ito

“may sinasabi ka?” lakas mang asar talaga netong bunso na 'to

“joke lang wala.” pagbawi ni jah sa sinabi nya.

Actually dito sa loob ng office hindi ko masabi kung impyerno ba o hindi, kasi minsan masaya madalas impyerno, lalo na pag kami lang ni ken naiwan dito napaka tahimik walang kumikibo saaming dalawa, pag nandito yung apat masaya dahil di nawawala yung asaran nilang magkakaibigan, namimiss ko tuloy si ariana di na kami madalas nagkakasama..

“quiet” napatahimik naman yung apat sa tawanan ng suwayin sila ni ken apaka kj talaga neto. Tumayo si stell at lumapit ken, napatingin si ken sakanya nang isara nya yung laptop ni ken

“alam mo bro kahit minsan sumali ka naman sa kulitan namin taon na naming di naririnig 'yang tawa mo eh” pagkumbinsi ni stell ken pero tinaasan lang ni ken ng kilay si stell

“ay wag mokong tinataraytarayan jan ken, o kendra halika dito ka umupo” hinatak ni stell si ken papunta sa sala ng office kung saan lagi kami nakaupong lima, nang makaupo si ken bumalik naman si stell sa upuan nya na kung saan ay magkakaharap kami

“wala ka bang i k-kwento jan ken hindi ito staring contest wag mo kaming titigan ng ganyan” saad ni stell ngunit dedma lang si ken

“wala kang maasahang sagot jan kay ken stell” ani ni pau at nag lapag sya ng tubig at baso sa lamesa

Tinitigan naman ni stell si ken “laro tayo” sabay tingin neto saamin

“ano?” pau.

“anong laro?” jah.

“kung sino makapag pa ngiti o mag patawa kay ken, ililibre ko ng kahit anong gusto ano deal?” ideya ni stell na nabuhayan naman silang magkakaibigan na parang game na game sila

“pwede wag nyo na akong isali sa mga laro niyo?” pagsusungit ni ken, ang taray talaga netong KENDRA na 'to

“game game, ako na una” pagbibida ni jah

Nakatutok naman kaming lahat nang magsimula syang magsalita.

“paano mo sasabihin na “kaya mo yan” in ken way?” tanong ni jah kay saaming lahat

“ano?”

“edi... “you KEN do that” (you can do that)” halos wala kaming tawa o ingay kaming narinig sa buong kwarto

“sarap mong saktan justin” napayuko nalang si stell sa joke ni jah, ang hari ng maisan..

“nakakatawa kaya” jah.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now