Chapter 16 : pv-room

61 6 4
                                    

Iris pov

Nakauwi na kami galing ng church, 12:56 noon palang kaya tumambay muna ako kila ariana kasama ko si matt na kanina pa naka simangot,  baliw. Si ken at pau naman ay pumunta na ng school dahil gaya nga ng sabi ko officers day ngayon kaya wala kaming pasok sila lang na mga officer.

“kumusta date?” ani ni ariana at napa tingin naman ako sakanya ng masama, anong date sasabi neto walang date na nangyari, kay matt? Ako? Makikipagdate kay matt? No! Bff ko yan e

“baliw anong date ka jan” umupo ako sa lamesa at nagbukas ng tinapay at nagtimpla ng kape, halata nanaman sa mukha ni ariana na kala mo nilalait ako HAHAHAH

“hindi kami nag date, sumama kami kila felip” walang buhay na sabi ni matt at tinanggal nya yung jacket nya at sinabit ito sa upuan

“felip? Kila ken? Bakit saan kayo pumunta?” tanong ni ariana at umupo ito sa harap ko at interesadong interesado

“wala, nagpunta lang kami sa church na kung saan doon nag d-donate sila ken, e diba alam nyo naman na matagal ko nang gustong pumunta ng mga charity?” sagot ko tanong ni ariana.

Simula elementary palang ako at nung makilala ko ang mga magulang ko na kumupkop saakin nagkaroon ako ng thoughts na gusto kong bumisita ng mga charity, and yes adopted ako 12 years old palang ako non dahil yung real parents ko ay namatay sa sunog, i miss them so much....

“mauna na ako” napatingin naman kami kay matt nang magsalita ito at lumabas ng pinto, para syang galit ano bang nasinghot non

Sumandal ako sa upuan at tumingin sa kisame.... Promise yung pangalang "kenji" parang narinig ko na 'yon eh... Hindi ko alam kung saan at kailan, basta alam ko sa sarili ko na alam ko at narinig ko na ang pangalan na 'yon

“huy! Tulala ka nanaman jan” nabalik ako sa realidad ng hampasin ako ariana at binigyan ako ng tinapay na may palaman

“ha? Hindi ah may iniisip lang” ngumiti naman si ariana at pumunta ng sala at nanonood ng tv, lumapit naman ako sakanya at tumabi sakanya at sumandal

“may problema ba?” pagaalala ni ariana at pinatay nya yung tv

“be nakaranas kana ba ng parang deja vu? Example may isang bagay ka na narinig tapos parang narinig mo na yon pero di mo maalala?” saad ko at tinignan si ariana

“oo naman lahat naman yata nakakaranas non bakit?” tanong nya at hindi ko naman masagot.

Biglang nag notif yung phone ko at binuksan ito, bumungad sakin yung gc sakin ng mga officers at halatang busy sila dahil tadtad at sunod sunod yung mga replies buti nalang talaga maganda lang ako at hindi matalino hirap kaya maging officer, assistance panga lang nakakabagot na.... eme nakatambay lang naman ako sa office HAHAHAHHAHA

Gabi na, hindi rin ako nagtagal at umuwi na ako ng condo nakasalubong ko naman si ken pero di nya ako pinansin napaka sungit netong panget na to akala mo hangin lang ako na dumaan e

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at inilibot ko yung mata at bumuntong hininga sa sobrang dami ng mga kalat, yung mga damit kung saan saan naka sampay joshkopo kwarto pa ba 'to ng babae? Parang kinalahig ng manok e, bahala ka jan tinatamad ako mag linis.

Dumiretso nalang ako ng kwarto at nagcellphone, nag scroll scroll lang ako sa facebook dahil wala naman akong magawa nakakatamad maglinis ng bahay tanghaling tapat.

Humiga ako at tumingin sa kisame habang nag mumuni muni.

“kenji....” banggit ko sa pangalan na tawag ng mga bata kay ken, talagang may something sa name na 'yon, na b-bother talaga ako...

Ipinikit ko na lamang yung mga mata ko at natulog para bawas stress.

Pablo's pov

Nasa school kami nila ken ngayon maraming ginagawa dahil officers day, kung akala nyo ay officers day mag c-celebrate? Hindi kabaliktaran worst day to para samin dahil tambak kami ng gawain.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now