Chapter 34 : slowly realization (2)

80 11 2
                                    

Matt's pov

Papunta ako sa office para sana samahan si iris na tignan yung score nya sa chart na kakalabas lang ngayon ngayon lang, may klase pa ako pero umabsent ako para makasama si iris...

“uh, excuse me? Si iris?” tanong ko pero ang nasa loob lang ng office si pablo at josh na nakaupo sa sofa.

“kakaalis lang tinignan yata yung score nya sa chart” saad ni pablo at umalis na ako at pumunta sa hallway.

Nauna na pala sayang di ko sya kasabay. Tumakbo na ako para sana sabay syang makita yung score, sana makapasa sya dahil wala pa naman syang tutor, sabi ko ako na mag tuturo sakanya pero tumanggi sya dahil kaya nya na raw.

Pagkarating ko sa hallway marami nang mga studyanteng nagkukumpulan doon, tinignan ko si iris pero wala, hindi ako tumigil sa pag hahanap sakanya. Hindi katagalan nakita ko sya sa likod ng chart at tumakbo papalapit sakanya.

“iri-” napatigil ako sa pagtakbo, tumigil din yung oras ko nang makita ko syang nakangiti at nakayakap kay ken at mukhang masaya... This hits me so hard..

Nag dadalawang isip ako kung lalapitan ko ba sila o hindi, hindi ko maigalaw mga tuhod ko pinipigilan ako ng isipan ko pero gusto ko silang lapitan at ilayo kay ken pero hindi ko kaya.

“iris...” mahina at dahan dahan kong banggit sa pangalan ni iris, i dont know what to do after that kaya nag punta ako ng cr para mag hilamos.

“ken..” mariing sabi ko habang nakatingin sa salamin ata basang basa ang buhok ko dahil sa pag hilamos.

Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi si iris na nakangiti at hindi ako ang dahilan.

“ken” pag tawag ko ulit sa pangalan nya, nagulat ako nang biglang may pumasok na lalaki. Si ken.

“calling for me?” tanong ni ken at agad syang lumapit ng salamin at nag hugas ng kamay.

“layuan mo si iris” hindi ko napigilan at nasabi ko 'yon, hindi ako nilingon ni ken at lumapit sya ng pinto.

“layuan? who? Iris? I dont even care about her” malamig na tono ni ken at lumabas 'to ng pinto.

Hindi ko alam kung anong intensyon nya kay iris, hindi pwede na mapunta si iris sa katulad nyang lalaki, cold-blooded, and heartless.

Iris pov

Masaya akong pabalik sa office dahil nakakuha ako ng 98/150 hindi ko inaasahan yun dahil ngayon lang ako nakakuha ng mataas na score sa exam dahil ang nakasanayan ko na ay 30, 50/150 minsan panga'y 20 lang HAHAHAH kaya hindi ako makapaniwala, the best magturo si ken kahit lagi nya akong sinusungitan.

Hindi ko naman napigilan yung sarili ko na ngumiti dahil na alala ko yung bigla kong nayakap si ken, sobra lang akong natuwa kaya nagawa ko 'yon.

“aaaaaaa” mahinang sigaw ko at tinakpan yung mukha ko ng kamay ko dahil sa kung anong nararamdaman ko sa loob ko, nakatingin sya sa mga mata ko nang yakapin ko sya!! Hindi ko alam mararamdaman ko, hiya ba o kilig, parehas!!!

Lalo naman akong namula nang pumasok sa isip ko yung ngiti ni ken, aaaaaa nababaliw ako!

Sinampal sampal ko yung pisngi ko para magising ako sa katotohanan at pumunta na sa office dahil may pinapagawa pala saakin si ken pag na late ako papagalitan nanaman ako non.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na ako ng office, nakita ko si ken na nakaupo sa table nya at may ginagawa, suot suot nya yung salamin nya na nagpagwapo sakanya lalo,aaaaaanooo ba yan!!!! Bagay sakanya yung salamin!!

“i close ang mouth iris” nabalik naman ako sa realidad nang tawagin ako ni stell, putccha nakanganga pala ako hayop, agad kong sinara yung bibig ko at lumapit sa sofa at umupo.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang