Chapter 24 : Tutornemy (3)

70 10 1
                                    

Iris pov

Niligpit ko na yung mga gamit ko pauwi at inaantay ako nila ariana sa labas ng office, pinapapasok ko sila pero ayaw nila kaso kahit nasa harap palang daw ng office nararamdaman nila so ken, ganyan din ako nung umpisa hanggang ngayon, kinakabahan.

“una na ako stell bye bye!” paalam ko kila stell at lumabas na ako.

“akin na iris” tawag sakin ni matt at kinuha nya yung bag ko at binuhat nya, sinubukan ko namang bawiin pero ayaw nya, edi wag.

“sasakay kayo?” tanong ko kina ariana

“sana, pero lakad nalang tayo” sagot nya

“tara lakad nalang wala narin akong pera e” wika ko at lumabas na kami ng gate at nag lakad na, medjo madilim na kahit 5:50 palang.

Naglalakad na kami, at hindi mawala sa isip ko yung boses ni ken, the way he explains everything... Talagang kakaiba, hindi sya takot makipag eye to eye, ako tong laging umiiwas sa mga tingin, ako na nag sasabi sainyo, pag tinitigan ka ni ken parang nakikipag titigan ka sa isang sumpa ang bigat ng aura nyaaaa.

“bakit di ka jan nag sasalita?” bumalik ako sa realidad nang mag salita si ariana at tinapik ako

“ha? Wala” maikling sagot ko

“grabe kinakabahan ako” ani ni leo habang nakahawak sya sa dibdib nya at napatingin kami sakanya

“bakit?” tanong ko

“sa friday na ilalabas ng final grades, feeling ko di ako makakapasa” saad ni leo

“hala oo nga!!” gulat na sabi ni ariana

Gosh kinakabahan ako, feeling ko buong grading wala akong ginawa kundi ang mag pasaway, makakapasa ba ako ng ganito??

Mga natatandaan kong nagawa ko sa loob ng school, tumakas sa klase, ako yung dahilan kaya bumagsak yung books sa library, ako yung naka basa ng importanteng papel ni sir. Nel, late lagi pumasok, tinatakbuhan yung guard makakapasa pa kaya ako neto??!!!

Makalipas ang ilang oras ng pag lalakad nakauwi na ako at nakapasok na ng condo, tinignan ko yung pintuan ni ken kung nanjan na sya pero walang ilaw baka hindi pa umuuwi, teka ano bang pake ko?! Jusme iris.

Pumasok na ako ng luob at nag bihis.

“dito ko kaya naiwan yung histo book ko?” hinanap ko narin pala yung libro ko sa loob ng condo ko, sadly hindi ko mahanap hindi ko matandaan saan ko nailagay, gosh babayaran pa naman yun pag nawalan nugagawin ko neto.

“rocky?” pag tawag ko sa pusa ko

“ay hindi pa pala nakakauwi si rocky anjan na kaya si ken?” lumabas ako at sinilip yung pinto ni ken at sakto may ilaw na nanjan na yata si ken.

Lumapit ako at kumatok “ken??” pag tawag ko

Hindi katagalan nag bukas yung pinto at bumungad sakin si ken

Hindi nag salita si ken ng buksan nya yung pinto kundi ay tinignan lang ako “ah ken si rocky anjan?” tanong ko at nakita ko naman si rocky na kumakain kasama si kuro.

“pwede pumasok?” tanong ko pero sinarhan lang ako ng pinto ni ken, epal

Hindi nag tagal lumabas si ken hawak hawak si rocky, kinuha ko ito pero sumunod si kuro

“kuro come here, daddy's here” pag tawag ni ken kay kuro at kinuha nya si kuro at pumasok sila sa loob

Pumasok nadin ako sa loob at sinara yung pinto para hindi na ulit makalabas si rocky my baby.

“pffpp hahaha daddy's here” hindi ko mapigilang ngumiti dahil medjo husky voice si ken nung mag salita sya, bwisit na buhay to aaaaa!! Nababaliw nanaman ako

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz