Chapter 25 : Tutornemy (4)

80 12 6
                                    

Iris pov

Nakaupo parin ako dito sa sofa sinubukan mag solve ng math problem na kanina ko pa sinasagutan, halos naka ilang try na'ko pinakita ko 'to kay ken pero laging mali, ano ba yan!! favoritism si math pag kay ken napaka dali nya lang masagutan pero ako aabutan pa ng sampong taon ng buhay ko?!! UNFAIR!

Tumingin ako kay ken at napansin ko na naka tulala sya at nakatingin sa laptop nya, ano kaya iniisip neto?

Bumalik nalang ako sa pag s-solve at sa daan daang solution na nagawa ko ang saya ko dahil nag tugma na yung sagot namin ni ken!. Pumunta ako sakanya at pinakita 'to

"ken eto? Tama?" tinignan nya yung papel ko and kinakalkula nya

"yea, good" napangiti ako at nag sasayaw sayaw dahil in for the first time in my life naka sagot ako ng isang problem sa algebra?!! feeling ko hindi na ako ang iris na dati nilang kilala, feeling ko mapapantayan ko na talino ni ken, charizzzzz

Bumalik ako sa sofa at tinignan yung mga kalat na nagawa ko, puro lukot ng papel kung saan saan, puro mga maling sagot jusme.

"Clean the mess delafuena" napalingon ako kay ken nang mag salita ito at lumabas ng office, hobby ba nya yung mag lalakad tapos yung kamay nasa mga bulsa?? siguro pag may taong nakakita sakanya tapos hindi sya kilala masasabihan syang siga.

Dami kong satsat kaya nilinis ko yung mga kalat sa lamesa at tinapon 'to, may nakita akong isang papel na may drawing sa loob, dahil sa pagiging chismosa binuksan ko 'to at napanganga ako sa nakita ko

"shuta! ang ganda!! Kanino to?? Mala architect yung drawing ang ganda ng perspective hanep ah!" tinupi ko yung papel na hawak ko at nilagay 'to sa bag ko, ang ganda nya para syang blue print!! Ang galing? Kay ken kaya 'to?? Kung kay ken grabe na ikaw na ken oo na..

"yo iris, san si ken?" napalingon ako kay josh nang bigla syang pumasok.

"kakalabas lang ah? di mo nakita?" ani ko at tumingin sa labas

"wala hindi ko napansin" sagot ni josh at tumingin din sa labas

"bakit?" tanong ko

"kaylangan sya sa building 2 eh, saan kaya yun wait nga hanapin ko" at lumabas si josh para hanapin daw si ken.

Lumabas din ako para magpahangin dahil halos maghapon na akong naka kulong sa office.

"delafuena" napatingin ako sa taong nagsasalita. Si ken

"oh? Hinahanap ka ni josh ah" saad ko pero nakatingin lang si ken, jusko anong mga tinginan yan nakaka baliw

"sumama ka sa'kin" naglakad papalayo si ken at sumunod naman ako sakanya, saan kaya 'to pupunta?!

Napunta kami sa building 2 kung saan kaylangan si ken sabi ni josh. Tumigil sya sa isang room at nakaharap sya sa maraming papel.

"take this papers, dalhin mo sa office" para akong yelong nanigas nang utusan ako ni ken, napatingin ako sa mga papel at tambak 'to jusko anong gagawin ko dito??

"lahat yan?? Ang dami nyan!! Di ko kaya yan isang buhatan!" pag angal ko at napakamot pa ako sa ulo

"edi isa isahin mo." malamig na tono ni ken at dumiretso sya sa lamesa at binuksan yung laptop nya

Gusto kong bangasan si ken ngayon! Ang dami dami neto!!

"move delafuena, marami pa 'yan" halos mangiyak ngiyak na'ko sa kinatatayuan ko dahil ang layo layo ng building 2 sa officee!! Isipin nyo tatawid pa ako ng court makarating lang ng office?!!

Napatingin ako bigla kay ken at nakatingin din ito sakin ng masama parang kakainin nya na ako ng buo kaya no choice ako, binuhat ko yung napaka bigat na mga papel at simula nang naglakad.

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now