Chapter A'tin : kelvin's issue (1)

75 3 5
                                    

Iris pov

Katulad nga ng sabi ko kagabi hindi ako nakapasok dahil namamaga yung paa ko ikaw ba naman ma tapsilog sa daan, buti nga hindi ako nilagnat.

Bumangon ako pero di ko parin talaga kayang tumayo halos parang lobo na yung paa ko dahil namamaga joshkopo!!

“iris?” may kumakatok sa pinto, boses ni matt, hindi naman ako makatayo kaya sumigaw nalang ako

“pasok ka matt!” narinig kong nagbukas yung pinto, nakapasok na yata sya. Dumiretso sya sa kwarto at may dala dala syang mga gamot at isang pang cold compress, nilapitan nya agad yung paa ko at bakas sa mukha nya na nagaalala sya

“tsk tsk tsk, ano ba kasing ginagawa mo kagabi at natapilok ka?” saad ni matt at lumuhod sya at nilagay yung cold compress sa paa ko

“bakit di ka pumasok?” tanong ko, dahil dapat ganitong oras nasa school to e

“umabsent muna ako ng isang subject kasi sabi ni ariana hindi ka makakapasok” napakunot naman ako ng noo nang sumagot sya

“Hoy!! Bakit hindi ka pumasok!! Magagalit si tita nyan! Haynako umalis kana at pumasok kana matt!” pinagsisigawan ko sya baka kasi marami syang ma missed na activity dahil sakin, wag no may konsensya pa ako

“are you sure?” wika ni matt at tumingin ito sakin

“oo te, kaya ko naman tsaka gagaling din to ano kaba” tumayo naman sya at niligpit yung gamit nya at lumabas ng condo, buti hindi sya nangulit this time

“grabe ang sakit parang ikamamatay ko na to ah” nagiwan si matt ng isang baunan sa tabi ko at tinignan ito

“wow! Adobo!!!” tuwang tuwa naman ako dahil binaunan ako ni matt ng favorite dish ko!! Namimiss ko tuloy adobo ni mama kaso malayo sya e nasa province sila ni papa!! Uwing uwi na ako!

Habang kumakain ako may naririnig ulit akong kumakatok

“si matt nanaman ba to?” hindi ko sya sinagot para isipin nya na natutulog ako, bahala ka jan matt

“delafuena” halos mabuga ko lahat ng kanin sa bibig ko nang marinig ko yung boses ni ken, kahit sobrang sakit ng paa ko pinilit kong mag lakad papunta ng pinto

“wait! Wait lang!” ika-ika akong nag lakad papunta ng pinto at binuksan ito, bumungad sakin si ken na naka simangot ano pa ba, e iisang expresyon lang yata alam neto, ang tali-talino poker face lang alam nyang expresyon.

“bakit ken?” tanong ko, may inabot naman sya saaking paper bag na may lamang damit

“damit mo yata to, naiwan mo sa condo ko” agad kong kinuha yung paper bag at tinignan ito, tama damit ko nga.

Inayos ko yung tayo ko pero imbis na umayos napa yuko ako sa sakit

“a...ah..” tssss napahawak ulit ako sa tuhod ko dahil feel ko damay na pati tuhod ko.

“what?” tanong ni ken at nakatingin ito sakin

“wala, lalong sumasakit yung paa ko” sagot ko

“can you walk?” tanong nya

“oo kaya ko” sinubukan kong maglakad pero natumba ako, pahiya bukas bawe. Papansin

Nagulat ako nang agad syang lumapit sakin at inalalayan ako patayo

“kaya raw” maikling sagot ni ken habang tinutulungan nya akong tumayo, at inupo nya ako sa upuan.

“do you have any cold compress here?” tanong ni ken at nilagay nya yung kamay nya sa bulsa ng short nya

“meron, nasa kwarto ako na kukuha” wika ko at tatayo na sana ako nang naglakad si ken

“just sit here i'll take it” maikling sagot ni ken at dumeretso sya sa kwarto ko

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now