Chapter 32 : Our little agreement

85 13 3
                                    

Iris pov

Nasa hallway kami ni ariana naglalakad dahil kakatapos lang ng test namin, medjo na stressed ako ron, ikaw ba naman mag sagot ng 150 items tapos muntik pa sakupin ng identification sinong ma iistress? Suko na'ko bagsak naman ako jan, ano pang inaasahan ko.

“ano ba yang mukha na yan iris naka simangot ka jan” pag tawag sakin ni ariana at tumingin ako sakanya at pilit na nginitian sya

“okay na ba? Kasi naman be feeling ko talaga babagsak ako this sem, anong sasabihin ko neto kay mama” niyakap naman ako ariana at niyakap ko sya at nag iyakan kami, parang tanga nasa gitna pa kami ng hallway

“huuy bakit ka umiiyak! Naiiyak din ako oh” pinagtitinginan na kami ng mga studyante dahil ginagawa namin HAHAHAHAH

“delafuena” someone called me

“ano ba umiiyak yung tao e” ani ko habang nakayuko at yakap yakap si ariana

“be be” tawag sakin ni ariana at tinatapik yung likod ko

“anooo???” tanong ko pero nakayakap parin ako sakanya

“be tingin” utos ni ariana

“ano ba yo-” napatigil ako sa pagsasalita dahil nasa harapan namin si ken at sya yung tumawag sakin, kumalas naman ako sa pag kakayakap kay ariana at umayos ng tayo

“ano bang ginagawa nyo? Naka harang pa kayo sa hallway” suway ni ken saamin

“ano naman, ano bang ginagawa ko rito?” sagot ko sakanya

“sumunod ka sa'kin” tumalikod si ken at nag lakad na papalayo, tinignan naman ako ni ariana at inalog ako

“omg be ganyan mga napapanood ko sa K-drama yung tatawagin ka ng guy then-” tinakpan ko yung bibig ni ariana dahil alam ko na yung susunod nyang sasabihin

“mukhang mas makakabuti yatang i tikom mo nalang yang bibig mo noh? Sigi na pumunta kana sa next class mo” sumunod na ako kay ken at si ariana naman umalis na rin.

Sumunod ako sa office at pumasok ako, bumungan naman sakin si ken na nakaupo sa sofa at may hawak hawak na papel at ballpen.

Lumapit ako sakanya at umupo sa harap nya, sa sofa ha sa sofa.

“ano yan?” tanong ko at tinignan yung papel na may nakalagay na AGREEMENT

Binigay sakin ni ken yung ballpen at papel “ano to? ” tanong ko

“its agreement paper, i'm not your tutor anymore, sign this” saad ni ken, binasa ko yung nakalagay sa papel na after ako turuan ni ken at nakapagtest na ako, hindi ko na ipagkakalat yung secret nya, dahil pag ginawa ko raw na sabihin yun kahit kanino magiging alipin nya ako for the rest of my life.

“lah!! Ang unfair!” pag angal ko ko pero tinaasan lang ako ng kilay ni ken.

“how is that unfair?” tanong ni ken and he crossed his arms and looked at me (di ko alam tagalog kaya english nalang)

“oo unfair, ano pag sinabi ko sakanila magiging utusan mo'ko?” pag angal ko at ginaya ko yung position nya.

“its not unfair, tama lang yan dahil alam kong malikot 'yang dila mo” napa shut down ako sa sinabi ni ken dahil... Tama naman sya heehhehe

“ayoko ngang mag sign jan, bakit may magagawa ka ba?” pag mamayabang kong sagot

Ngumisi si ken at umayos ng upo at nilabas yung cellphone nya “yes” mahinang sagot nya at nilapag yung cellphone sa table at hinarap saakin.

Napakunot ako ng noo at tinignan yung cellphone nya at video yon “play it” utos sakin ni ken at pinindot ko yung play. Napanganga ako hindi dahil sa tuwa, dahil sa kahihiyan the whole time pala na sumasayaw ako sa birthday ni nay palma vinideohan nya ako, putcha mukha akong tanga!!!

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now