Chapter 30 : problem? nah

92 11 11
                                    

Iris pov

Nagdadalawang isip kami ni pau kung aawatin ba namin si ken dahil mukhang galit na galit si ken, i mean mukhang araw araw naman sya galit, iba lang yung presence nya ngayon lalo na't nalaman nya sino yung mastermind ng lahat kung bakit muntik na silang di makapag present ng project nila kanina at buti nagawan nila ng paraan.

“k..ken” nanginginig na sabi ni ariel at napa atras 'to nang lumapit sakanila si ken, bakas din sa mukha ni kelvin yung takot.

“sa pag kakarinig ko top ka sa ICT?? Hmm i dont see much” mapaglarong sabi ni ken

“yung kakayahan mong i hacked ang laptop namin, its just a basic code hindi matibay are you... Are you that dumb?” napalunok naman si ariel sa sinabi ni ken.. gooshhh

“hoy ken, wag mong sabihin na presidente ka rito sa school at kaya mo nang magsalita ng ganyan” pagmamayabang ni kelvin at tumayo sya sa harap ni ken

“you're right, i have a power to do whatever i want... You know why? Because i have brain, i can think not like you” dahan dahang lumapit si ken kay kelvin at napaatras naman 'to

“listen to me you brainless idiot, stop this right now, itigil mo na 'yang ginagawa mong walang kwenta katulad mo” malamig na tono ni ken

“and what will you do huh?? What?!!” sigaw ni kelvin, lumapit si pau kay kelvin at inawat 'to

“you wanna know? Ok if that's what you want”  nilagay ni ken yung mga kamay nya sa bulsa ng pants nya at tinignan si kelvin

“alam ba ng father mo that you're using mariwana? Inside of this school?” biglang napatigil si kelvin at parang nanghina sya

“w..what?? S.. sinungaling ka w- wala kang patunay”  utal utal na sabi ni arian

“tangina kelvin?” pagmumura ni pau at tinignan si kelvin

“akala ko ba tumigil kana?” halos lahat kami duon nagulat kasama na si ariel

“h.. hindi pau hindi yon totoo” nanginginig na bigkas ni kelvin

“stop lying kelvin, i know everything inside and outside of this school wag kana mag kaila, proof? Evidence? Sure paguwi mo itanong mo sa dad mo kung anong video ang napanood nya” tumalikod naman si ken at naglakad papalayo habang hinahabol sya ni kelvin

“teka ken! Teka lang wag mo namang sabihin kay dad please!” pag mamakaawa

Hindi sya nilingon ni ken at patuloy lang 'to sa pag lalakad.

Sumunod ako kay ken at hinayaan kona ruon si pau at kelvin para makapagusap sila

Pablo's pov

Hindi ako maka move on sa nangyari, akala ko tumigil na 'to kelvin sa bisyo nya hindi pa pala.

“pau please sabihin mo sa kaibigan mo na wag nyang sabihin kay dad, kilala mo naman si dad diba?? Please!” napatingin ako kay kelvin nang mag makaawa 'to sakin

“harapin mo mga kasalanan mo kelvin maawa ka naman kay tito” na didismaya ako sakanya ng sobra.

“tumanaw ka naman ng utang na loob pau, naalala mo ba? Na si dad ang dahilan kaya ka nag aaral ngayon??” napakunot ako ng nuo sa sinabi neto ni kelvin, sinusumbatan nya ba ako?

“kelvin ilang beses na kitang pinagtakpan sa mga kasalanan mo, tsaka kahit anong sabihin ko na wag na ipaalam kay tito, si ken ang masusunod hindi ako” tumalikod ako at akma na sana akong umalis ng lumuhod bigla si kelvin

“please... Pau gawan mo ng paraan parang awa mo na” umiyak 'to habang nakaluhod.... Naaawa ako sakanya kahit papaano dahil pinsan ko parin sya...

Hindi ko nalang pinansin si kelvin at nag lakad papalayo, hindi naman sya ganyan dati close kami nyan sobra ni kelvin pero biglang nagbago...

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now