Chapter 29 : kelvin the rascal

104 10 3
                                    

Iris pov

Gabing gabi na kami nakauwi ng asungot na 'yon, may pasok pa pala bukas gaya nga ng sabi ni ken may event bukas at kailangan ako don, bakit ako pa kasi dami daming officers jan ako pa ninais ng pangit na 'yon, di ko na alam gagawin ko!!! FELIP JHON! Masama yung kutob ko!!

Pagpasok ko palang ng condo agad akong humiga sa kama at natulog, nakakapagod 'tong araw na 'to, sayawan ba naman si nay palma kanina, kung wala ngalang pasok bukas hindi ako uuwi e!

Nakapikit ako at nakaharap sa bintana ng condo ko nakatagilid at ang daming iniisip.

“hindi ako makatulog!” akala ko sa sobrang pagod ko kanina makakatulog ako... Hindi pala.

Umayos ako ng higa at hinarap yung kisame... I still can see ken's face... Gosh

“ano ba yan!!!” tinakpan ko yung mukha ko dahil nararamdaman ko na namumula ako dahil habang sumasayaw ako kanina, i can see ken's eyes looking at me, hindi sya umiiwas ng tingin!! Kaya napatigil din ako sa pag sasayaw non, kahit nakaupo na sya at kami ni nay palma nalang yung sumasayaw nakikita ko parin sya, nilalason mo na utak ko MR. FELIP!

Ipinikit ko nalang yung mga mata ko at natulog dahil kung pag papatuloy ko lang to, mapupuyat ako.

Skiptime --------

Nagising ako at tinignan yung orasan.

“wow ang aga ko nagising ah” naging ako 4:05 am palang kaya tuwang tuwa ano dahil marami akong oras para mag ayos. Oh! Nag aayos ako kasi papasok ako baka kung anong isipin nyo jan oa pa naman kayo.... HUUUY!!!

Naligo at nag bihis na ako mahigit 30 minutes akong naligo tagal no? Nahiya pa ako di ko pa ginawang isang oras.

Dami kong sinabi daldal talaga di nauubusan ng sasabihin talaga!!

Nag ayos na ako bali, natapos ako ng 5:01 am kaya umalis na ako at sumakaw nalang ng bus dahil medjo madilim padin ng ganitong oras mamaya ma adultnap ako dito kawawa naman si rocky ko wala nang magandang mommy.

5:20 am nakarating na ako ng school at marami na palang mga studyante kabilang na sina stell, josh, jah, at pau na tumutulong mag ayos sa stage. Dumiretso ako sa office at nakita ko si ken... As usual nasa laptop nya at may ginagawa. Nilapag ko yung gamit ko sa sofa at umupo.

“anong inuupo mo jan? Pumunta kana sa court at tumulong ka” napatingin ako kay ken nang magsalita to, di pa nag sisimula yung klase nababanas na agad ako dito.

“aga aga nagsusungit ka nanaman, hulaan ko almusal mo... Sama ng loob no?” pamimilosopo kong sagot pero tinaasan lang ako ng kilay ni ken, lumabas nalang ako at dumiretso nalang sa court para tumulong, wala e utos ni ken no choice tayo baka mabugahan pa tayo ng apoy nyan.

Nakarating na ako sa court at pumukaw naman ng pansin ko yung stage na inaayos nila na may malaking green screen duon yata ilalagay yung presentation ni ken, hanep ah.

“oh iris ang aga mo ah” napatingin ako kay stell nang tawagin nya ako

“eh tumulong daw ako sabi ni ken eh saan ba nakalagay yung mga mono block?” tanong ko at tinuro ni stell kung saan nakalagay, pumunta ako ron at kumuha ng sampo at pinagpatong ito at binuhat.

“ay punyeta body builder naman pala 'tong si iris e” pang aasar ni josh

“lumayo ka sakin josh baka ihampas ko sa'yo to” tumabi naman si josh at dumiretso na ako ng court para ayusin tong mga mono block.

Naayos ko na yung sampo at bumalik agad sa room para kumuha ng mga mono block.

Bali nakailang pabalik balik ako sa room at court para magbuhat ng upuan. Huminto muna ako saglit at hinawakan yung braso ko

Chase Me Until Dawn MR. FELIP (School Days)Where stories live. Discover now