"Turn off the light before you head out, Jenna."Inaantok kong saad kay Jenna. Alas nuebe na kasi kami natapos sa pag-aayos ng gamit sa bagahe kaya gusto ko na lang marelax ang katawan ko at humilata sa kama. Madaling araw pa naman akong babyahe bukas.
"Yes, Young Miss, goodnight and... sleep well," narinig kong tugon ni Jenna.
Napangiti na lang ako. "Goodnight, Jenna."
After a minute of silence, tuluyang hinila ng antok ang katawan ko. Nagising na lang muli ako nang marinig ang pagpihit ng doorknob sa kwarto. Mayamaya pa ay mahihinang pagbagtas ng paa nito papalapit sa direksyon ko. Naalerto kaagad ako. Sino naman kaya ang dadalaw sa 'kin ng ganitong oras? Admirer ni Lady Rafaela? Tanga beh! Wala siyang ganoon!
Pasimple kong tiningnan ang malaking orasan katabi ng cabinet ni Lady Rafaela at napagtantong alas onse na ng gabi. Shit! Pakiramdam ko tuloy ay nasa horror movie ako at hinihintay na lang ang aking katapusan! Chuckie ikaw ba 'yan?
Akmang haharap na sana ako mula sa patagilid kong higa para tadyakan ang taong pumasok sa silid ko nang mapagtantong ang duke lang pala iyon. Hindi ako makagalaw dahil sa bigla. Anong ginagawa ng duke sa kwarto ko ng ganitong oras?
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya binisita si Lady Rafaela sa gabing ito. Pero malay natin 'di ba? Baka gusto niyang masilayan ang mukha ni Lady Rafaela na natutulog sa huling pagkakataon. O baka naman may balak siyang patayin ako? Tsar! Alam ko namang hindi niya iyon magagawa kay Lady Rafaela.
Umuga ang kama kaya alam kong umupo roon ang duke. Ang hirap umakting na tulog lalo na noong maramdaman ko ang titig ng duke sa mukha ko. Hinaplos niya ang buhok ko at pinatakan ng halik ang noo ko.
"I have something to tell you, my child," he said in his soft voice.
Tuluyang nagising ang kaluluwa ko sa paunang salita ng duke. Mabuti na lang at hindi natatakot ang duke na kausapin ang anak kahit pa natutulog ito. Paano na lang kung may makarinig na kaluluwa at sagutin na lang siya bigla 'di ba? Pero mukhang sa awra na pinapakita ng duke kapag nagagalit ito ay maski siguro ang multo ay matatakot.
"You wanna know why I want you to pursue political science even though from the very start I know you hate politics?" He said, chuckling. "It is because I want you to learn something about this world, Rafaela. Nakakatawang isipin pero natatakot ako sa mangyayari kapag nawalan ng kontrol si Emperor Alessio sa pamumuno. Maraming kalaban sa paligid, Rafaela. Maraming taong nasa malakas na posisyon ang hindi sang-ayon sa pagpapatakbo ng emperor sa buong emperyo. Lalo na ang mga taong may kaugnay sa illegal na gawain. Businessman at mga kasapi ng kongreso. Ayaw nila ng malinis na emperyo. Mga sakim sila. Dahil sa pagiging sakim, doon sila nabubuhay."
Hindi na iyan bago sa pandinig ko. Kahit saang lupalop ng mundo pa siguro ako magpunta ay may mga taong ganoon talaga. Hindi nila gusto ang malinis na pamumuno dahil hindi nila mapapalago ang kanilang illegal na gawain kapag nangyari iyon.
"Emperor Alessio may seem cold on the outside, like me, but he's a softie inside. He always thinks highly of his people and has a heart that cares for everyone which is very alarming."
Hindi ko magawang maikunot ang noo ko dahil baka malaman niyang gising ako pero nakapagtatakang alarming iyon para sa isang duke. Hindi ba dapat ay masaya siya na ang mahal na emperor ng imperyo ay may mabuting kalooban?
"It's alarming to the point that he won't give a single chance when his rage is valid. He can bomb not just entire city of one kingdom but the whole kingdom itself, Rafaela. Even the people of that kingdom can't runway."
Grabeng duke 'to nananakot pa! Walang puso! But anyway, pakiramdam ko ay sincere naman ang duke sa paliwanag na iyon. Hindi ko naman alam na iyon pala ang tunay na dahilan kung bakit niya gustong i-pursue ni Lady Rafaela ang political science.
BINABASA MO ANG
Her Arrival
FantasyJelliane Grace Andromeda has only one goal: to be the best female lawyer in town. She is a four year degree holder, a Magna Cum Laude. She graduated Bachelor of Arts in Political Science, and currently enrolled herself in law school. Indeed, she don...