☕︎halcyonkiyo
Nais dalhin ang bagay na ‘yong hinihiling,
Tugtog ng gitara ako’y nahuhumaling.
Sinta ko’y sa pagkanta napakagaling,
Ang ganda sa boses mo ako’y natutuliling.Sa bawat musika na kasama kita,
Habang dala-dala’y ang gitara nakapatong sa‘kin hita,
Mga ngiti sa mata mong malapit ko na makita,
Kaya’t sa sandali babalik na’ko, aking ginugunita.Sabay tayo sasayaw ng malumanay,
Hawak ang ‘yong katawan hanggang masanay,
Pagtatapos nito’y maging alala natin ay i-aalay,
Tanging sa buhay ito lang ang aking hinihintay.Minsa’y sa bawat pyesa ng gitara itong musika,
Ikaw at ang iyong boses ang mahika,
Pakinggan man ito’y ng walang pagtataka,
Kaya’t hayaan mo lang akong makasama ka.Hindi man marunong gumamit ng gitara,
Ang mahalaga ay narito ka, aking musika.♪
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...