☕︎halcyonkiyo
Umaraw man o gabi,
Palaging na sa’yo tabi,
Rosas mong labi,
O aking idadampi.Mundo ng imahinasyon,
Kamay at pusong sumasang-ayon,
Ikaw na aking magayon,
Sa sandali, ‘di magbabago iyon.Maulap na pag-asa,
Ikaw ang libro na aking binabasa,
Patuloy pinapangarap upang matamasa,
Sa imahinasyon, ikaw ang paksa.Buhay ay roleta,
Sa bilis ng bisikleta,
Nahulog ng hindi nakikita,
Sa imahinasyon sana’y dumating ka.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...