☕︎︎halcyonkiyo
Sa aking pagtanda,
Salita ni ina’y maida-dala,
Mga payo’t paga-alala,
Sa murang edad, siya’y nawala na.Alam ko ang aking kapasidad,
Sa mga bagay at reponsibilidad,
Nasa aking wastong edad,
Na patunay na iba ang reyalidad.Lapis at kwaderno,
Matataas kong grado,
Nang aking napagtanto,
Malayo na ang itinahak mula rito.Semento’t kahoy,
Pinapasan ng tuloy-tuloy,
Pag-asa ng pangarap masi-simoy,
Na sa aking edad, ipagpapatuloy.
𓁆
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...