☕︎︎halcyonkiyo
Paano kung tayo,
Ako’y ‘di para sayo?
Makakayanan ba ng pagkatuto,
Kahit na malayo?Bigat na mga tanong,
Sa pag-asa’y sumu-sulong,
Paano ang pusong tutulong?
Sa mga tanong na binu-bulong.Buo ang adhikain at tiwala,
Kung ka’y kumawala,
Dahil walang mapapala,
Sa mga bagay na akala.Paano sa bawat paghikbi,
Tagos ang luha sa’kin labi,
Mga sagot na ‘di masabi,
Sa akala’y mananatili ka sa’kin tabi.
??
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...