☕︎︎halcyonkiyo
Magkasalubong man ang ating landas,
Patawarin sa‘king huling pahimakas,
Mga pagtingin sayo’y itatakas,
Upang bigat sa loob ma-alpas.Minsa’y tanging pagbitaw ang daan,
Para sa ating ikaga-gaan.
Masakit kung hayaan,
Sa huling pahimakas nakalaan.Kwadernong ikaw ang laman,
Sa pagbagsak ikaw ang sandalan,
Bulakbol nating ayaw kitang patulan,
Malungkot kong paghimakas sabay ang ulan.Tinuring kitang lakas sa digmaan,
Sa buhay na puno ng kasamaan,
Talikuran mo ako’y at hayaan,
Dahil ito na ang huling pahimakas na mapapakinggan.
𖤐〰︎
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...