☕︎︎halcyonkiyo
Balintataw ng nakaraan,
Nakaka-litong kapalaran,
Nang aking pakinggan,
Sa tugtog ni kundiman.Liriko’y naka-gagaan,
Sumabay sa’kin nararamdaman,
Lungkot ‘di maiwasan minsan,
Sumasabay nalang sa kundiman.Ika'y sa panaginip sumasayaw,
Suot ang ‘yong ikaw,
Ikaw nagsi-silbing ilaw,
Sa kundima’y ‘wag bibitaw.Sa huling tugtog ng gitara,
Nais kita makasama sinta,
Memoryang ginugunita,
Ganda ng kundima’y makikita.
♫⊹
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...