☕︎︎halcyonkiyo
Bilang man ang taon,
Hinihintay ang pagbangon,
Sinubukan ihaon,
Sa sandali’y may pagkakataon.Hininga’t lakas,
Buhay na gustong itakas,
Isipang ‘di naging maaliwalas,
Kailan kaya maa-alpas.Sa mundong pala-isipan,
Patuloy kong ngini-ngitian,
Habang sumasabay sa kundiman,
Upang katahimika’y maha-hagkan.Laging nakikinig,
Sa pangulong hatinig,
Muli para’y lungkot ‘di marinig,
At pahilumin ang sugat na walang tinig.
୨܀∘
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...