☕︎︎halcyonkiyo
Kahidlaw sa araw,
Ang pagsikat ay ikaw,
Sa ganda'y matatanaw,
Ang pinta sa ‘yong balintataw.Tamis ng ligaya,
Mapapangiwi sa saya,
Kahidlaw na maging malaya,
Sa pagsapit, iba ang itinaya.Maaring nagkamali,
Ang iyong pagpili,
Ngunit nagbabaka-sakali,
Na maramdaman mo ako kahit huli.Habang buhay hihintayin,
Kahit sa’n man ako dalhin,
Kahidlaw sa iyong tingin,
Tanging puso lang ang sisi-sihin.𓁋
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...