☕︎︎halcyonkiyo
Sa bawat gabi,
Ikaw lang palagi,
Gumigising ng paunti-unti
Sa aking mga ngiti.Lagi kinikilig,
Sa mga bagay na hilig,
Ako’y naging ligalig,
Nang mahalikan mo sa bisig.Nasa iyong mga tingin,
Ang tadhana’y para sa atin,
Narito palagi aking dalangin,
Kahit sa’n man tayo dalhin ng hangin.Muli ang buwan,
Na palaging nasisilayan,
Ako’y minsan naguluhan,
Sa ngiting kumupas nalang ng tuluyan.
𖡎☽⊹
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...