☕︎︎halcyonkiyo
Ilan araw ang lumipas,
Ngiti sa labi’y kumukupas,
Naisin ko man tumakas,
Nasa pahinga ang lakas.Tao’y naglalaho,
Matapos ang gulo,
Pahinga ang dulo,
Sa mga bagay na talo.Kaunting pag-asa,
Natutong umasa,
Sa isang pahinga,
Makakamtan ang saya.Hinaing sa buhay,
Malaya ng tunay,
Pahinga ang tulay,
Para sumubok sa ibang bagay.
𓁆﹏𓁇
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...