☕︎︎halcyonkiyo
Bughaw na kalangitan,
Constellation ng tala at buwan,
Ikaw ang sidra sa kalawakan,
Lumiliwanag sa malapitan.Bilyong taon ang nakaraan,
Tumingala’t patuloy minamasdan,
Ngiti mo’y mala sidra kung tingnan,
Nasisilaw sa iyong kagandahan.Ninanais makamtan,
Na sana’y mahawakan,
Bituin sa tala at buwan,
Ikaw ang sidrang gusto masilayan.Kinis ng iyong kulay,
O sidra na kumikinang sa‘kin buhay,
Kahit mundo’y matamlay,
Nakadungaw at ika’y hinihintay.
⊹✶ᕯ☽
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...