☕︎︎halcyonkiyo
Sa lalom ng sugat,
Ikaw ang puno’t ugat,
Daloy ng luha sakin balat,
Nais kalimutan maging ang lahat.Bawat adhikain naglaho,
Pangako sa isipan gumuho,
Sumabay sa daloy at sumuko,
Walang saysay kung mabibigo.Paralaman na aking buhay,
Aking hininga at lakas na taglay,
Daloy ng oras ko’y ibinigay,
Sa sandali ‘di sumapat at naghintay.Hinihiling kay kanlayan,
Isang yakap na ‘di na ma-malayan,
Marami gustong patunayan,
Ngunit sa huli ay ‘di napantayan.
ᯓ༅
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...