☕︎halcyonkiyo
Asan ang lagusan,
Patungo sa nararamdaman,
Bakit pinagkait na pigilan,
Ang sariling masaktan.Mga katanungan sa isip,
Para sa pusong naninikip,
Akin ang luhang itinakip,
Sa lagusang iyong masisilip.Tinutunaw ng konsensya,
Ang ngiti sa iyong mata,
Naririnig ang iyong pagtawa,
Kahit ang lagusa’y naglaho na.Maaring hindi ngayon,
Para humingi ng pagka-kataon,
Dahil sa simula't kahapon,
Hindi kana muli pang lumingon.
𖣐
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...