☕︎︎halcyonkiyo
Pag-ubos ng pasensya,
Ang pumipigil maging masaya,
Subukan maging malaya,
Na hindi sarili ang itinataya.Nakaka-ubos pala,
Ang maghintay sa himala,
Nakaka-dismaya pala,
Ang tumayo’t maging tulala.Masyado ng malabo,
Kung tayo'y susuko,
Marami ng pangako,
Ang napunta sa pagka-bigo.Nakaka-ubos pala,
Nung kita’y na kilala,
Marami ng pasensya,
Ang binigay para lang maging masaya.
☂︎
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...