☕︎︎halcyonkiyo
Kislap ng mata’t buwan,
Sumi-sining sa bawat larawan,
Ang pagtingin ng malapitan,
Sa dala ng halimuyak, iyong makakamtan.Hindi mawari sa kadahilanan,
Ang daplis ng katotohanan,
Sarili ay ‘di mapigilan,
Na sa unang tingin ako nahiwagaan.Ikaw ang alitaptap sa malayuan,
Na lumiliwanag sa bawat daan,
Na patuloy kong minamasdan,
Habang nagsilbing ilaw ka sa kalawakan.Isang pagtingin ang dahilan,
Kung ba't ang puso’y nagugustuhan,
Tila’y malabo at naguguluhan,
Dahil sa isang kislap, tayo'y nagkalabuan.
𓁆﹏𓁇
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...