☕︎halcyonkiyo
Sa pabago-bagong siklo ng panahon,
mekanismo ng buhay dapat ihaon,
Nangyayari sa isang pagkakataon,
Kaya’t isa-isip at ‘wag itapon.Diwa ng kaalaman,
Sa mga bagay na kailangan,
Isip ay kanlungan,
Mekanismo ng buhay iyong matutunan.Hinihirang habang nasisilayan,
Mga pagbabagong ‘di makakalimutan,
Kaya hanggang kailan,
Para ang proseso’y ‘di makalimutan.Isang daan patungo sa kasaysayan,
Takot sa puso’y ‘di maiiwasan,
Tunay sa paniniwala’y walang hanggan,
Kaya sa buhay ‘wag pabayaan.
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...