☕︎︎halcyonkiyo
Nabighani sa isang tingin,
Sana ang tiwalang ma-angkin,
Hina ng loob kung aminin,
Mundo mo’y sana maging akin.Bakas ang mga ngiti,
Kinikilig ng paunti-unti,
Nabighani sa‘yo kinis at puti,
Sana ang pagtingin mo’y manatili.Dalisay ang iyong ganda,
Kakaiba’t kaaya-aya,
Nagbighani ng makita,
Nasasabik mahalikan sinta.Nang aking napagtanto,
Kailan man ‘di ka magka-kagusto,
Baka’y sadyang ako’y nalilito,
Na mahulog sa ‘di ako ang gusto.
𓆸
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...