☕︎︎halcyonkiyo
Sino ang tahanan,
Kung ako’y iniwan?
Tadhana sa isipan,
Kumawala ng ‘di namamalayan.Mga tala sa kalangitan,
Nakaupo’t iniiyakan,
Si tadhana’y binitawan,
Matapos ang madilim na ulan.Kahit isang sulyap,
Sa malamig mong yakap,
Nanaising kahit masaklap,
Pinili kahit sa isang iglap.Para sa ating huling sayaw,
Sa pusong humihiyaw,
Hahanapin muli ang ilaw,
Sa tadhanang pinili ay ikaw.
⚘ೄྀ
YOU ARE READING
Mga Tula Sa Isipan
PoetryKapag ang puso'y nadungisan, Mga tula sa isipan ay masisilayan, Ang libro na 'di pangkasaysayan, Damdamin muli matu-tunghayan. Tulang isinulat mula sa isipan, Mga bagay na gustong makamtan, Kinikilala ang bawat nilalaman, Mula man sa saya o hantunga...