Chapter 7

214K 7.2K 1.1K
                                    

Chapter 7

"Oi bakla, grabe ka naman makayakap. Gusto mo ba akong patayin sa yakap?" Hindi ko alam kung guni guni ko lang pero pakiramdam ko may HD tong baklitang to sa akin. HD as in Hidden Dislike. Minsan siguro gusto na niya akong patayin.

Umalis na ako sa yakap niya at nagbigay ng distansiya sa gitna namin. Malay ko ba kung bigla na lang niya akong sakalin?

"Balik ka dun ha! Wag ka nang maarte." Ngumiti ako tapos umalis na at bumalik sa videoke room. Ganun pa din ang eksena, minomolestiya pa din nina Barbie at Chelsea ang dalawang macho dancer. Lumapit ako kay Ter at umupo sa tabi niya. Automatic naman na umakbay siya sa akin.

Hindi nagtagal bumalik na din si Lexie at sinabing mauuna na siya kaya napagdesisyunan na din namin na umalis na din. Baka kasi pag tumagal pa, tuluyan nang mahaly nina Barbie at Chelsea yung mga lalaki. Isa pa, para na din magkaroon kami ng alone time ni Ter.

Hinatid ako ni Ter sa bahay ko at bago ako bumaba sa kotse niya iniabot niya sa akin ang isang bouquet ng mga bulaklak. Lalo akong na touch. Siya na nga ang nagbayad ng ginastos namin sa Elite, ngayon may flowers pa ako. Napaka thoughtful talaga ng boyfriend ko at sobrang sweet. Napaka swerte ko. Tama nga talaga na, best things comes to those who wait.

"Baby, magkape ka kaya muna para kahit papaano mabawasan ang effect ng alcohol sa'yo. Nagwoworry kasi ako, mag isa ka na lang sa sasakyan mamaya. Baka bigla kang makatulog."

"Mabuti pa nga." Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa bahay. Pinagtimpla ko siya ng kape at naupo sa tabi niya sa sofa.

"Thanks for making my birthday special."  Nagpapacute at nakangiti ako habang nakatitig sa kanya. Nilapag niya ang kape sa center table at tumingin sa akin tapos inakbayan ako.

"Anything for you baby." Mahina at nakakaakit na sabi niya. We looked at each other for a while  and I noticed his face going down on me.  Napapikit na ako bago pa man lumapat ang labi niya sa labi ko.

When his lips finally touched mine, napabuntonghininga ako. This is it, ito na ang hinihintay ko. Lumalim ang halikan namin at kumapit na ako sa batok niya. Then I find myself straddling him while he's sitting on my sofa. Nakahawak ang mga kamay niya sa bewang ko, pulling me closer to him.

Umakyat ang mga kamay ko sa batok niya and his hands are tracing my body from my waist pataas sa ilalim ng boobs ko habang hinahalikan niya ang leeg ko. Lumalalim nang lumalalim ang hininga ko. Desire is consuming me and I know, whatever his plan is, hindi ako tatanggi. Kaya, goodbye hymen! It's nice to have you for such a long time.

"Baby..." I moaned when his hands cupped my breast.

"Missy..." Tumigil siya sa paghalik sa akin at nagtaka ako. Yung kamay niya na kanina nasa dibdib ko ngayon ay nasa likod na ulit ng bewang ko.

"This is not right." Nahihirapang sabi niya. Nakakunot ang noo na napatingin ako sa kanya.

"I love you and I respect you so much Missy. I don't wanna take advantage of the situation. This can wait. Pag kasal na tayo." Gusto kong magtampo sa totoo lang. Andun na eh. Malapit na pero paano pa ako magtatampo kung para naman sa akin ang ginagawa niya? Paano ako magtatampo kung nag sasalita na siya tungkol sa kasal?

"Magpapakasal tayo?"maluha luhang sabi ko.

"Of course we will." Nakangiting sabi niya.

"Oh my God Ter! I love you so much!" I flung myself at him. Buong buo na ang birthday ko. Wala na akong mahihiling pa. That night, Ter and I slept in my bed pero dahil gentleman siya at nirerespeto niya ako, nothing happened.

"Magaling humalik?" Usisa ni Barbie. I grinned sheepishly. Kinukwento ko kasi sa kanila ang nangyari sa amin ni Ter nung hinatid niya ako pagkatapso ng birthday ko.

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now