Chapter 24

223K 9K 2.2K
                                    

Chapter 24

I felt my face heat up. God! Pakiramdam ko ni-rape ako dahil sa mga sinabi niya at sa klase ng titig niya sa akin. Umiwas ako ng tingin kasi pakiramdam ko hinihigop ng mga titig niya ang kaluluwa ko. Naiimagine ko tuloy ang soul ko na umaalis sa body ko tapos sumasanib kay Lexie. It's scary I know, but that is how I imagined it.

"Anong pinagsasabi mo bakla?" I tried to smile but even without looking at myself, I can feel that my smile is half hearted. Tabingi pa ata ang pagkakangiti ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, dahil kinakabahan ako. Hinihintay ko ngang tumawa siya o kaya may wow mali na lumabas sa kung saan para makahinga na ako ng maayos . Seriously, what he is doing is freaking me out.

"I'm not gay." Seryosong sabi niya at hindi inaalis ang tingin sa akin. I wanted to hit him with something just to distract him para tumigil na siya kakatingin sa akin ng ganyan. It is making me uncomfortable.

"Anong trip ito? Kung nagbibiro ka lang Lexie, you better stop now, dahil hindi na ako natutuwa." Sino ang matutuwa? A gay just told me that he is not gay. Para na din niyang sinabi na hindi ako babae!

"Sa tingin mo nantitrip ako?" Same serious voice, same intense stare. I must be dreaming so I slapped myself. Pero hindi pa din naalis ang tingin niya sa akin. I slapped myself again, this time harder.

"Ouch!" Masakit pala at hindi pala ako nanaginip.

"What are you doing? Why are you slapping yourself?" Kunot noong tanong niya. I raised my hand and poke his face expecting na lumusot ang kamay ko sa pisngi niya. Pero tumama ang forefinger ko sa ilong niya.

"Because I'm having a nightmare! Hindi ka daw bakla!" Kunti na lang talaga mag hihysteria na ako dito. Paano niya nasabing hindi siya bakla? He's gay since forever. Bakla na siya unang araw pa lang na magkita kami. I'm sure, bakla na siya bago pa man kami magkakilala. Tapos ngayon sasabihin niyang hindi siya bakla? This is truly a nightmare.

"Missy look at me and listen to me." Hinawakan ni Lexie nightmare ang magkabilang pisngi ko at pinilit akong tumingin sa kanya. I gaped at him.

"Listen to me well." He commanded. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

"Hindi ka nananaginip. I brought you here because this is what I wanted to tell you. I'm not gay and I like you. I really really like you." I blink plenty of times. Tapos nanlaki ang mag mata ko tapos nagblink ako ulit. Shit! Hindi talaga panaginip! But this can't be real.

"Teka lang! Isa isa lang." Kasasabi lang niya na hindi siya bakla tapos dudugtungan pa nya ng 'he like me'. No, he said, 'he really, really like me' daw.

"You're not gay? Paanong nangyari yun? Bading ka simula college tapos ngayon sasabihin mong hindi ka bading? Don't tell me hindi ikaw ang kaklase namin nung college at may isa pa kayong kakambal. Triplets kayo? Maloloka talaga ako pag nagkaganun!" He laughed at me. Nagagawa pa niyang tumawa, samantalang ako, nagpapanic na. Aba, hindi araw araw may bading na nagsasabi na hindi na siya bading. Siguro lalaking umaamin na bading siya, common pa, pero ang bading na aamin na lalaki siya? This is just too much to take in.

"No, hindi kami triplets. Dalawa lang talaga kami ni Alexis." Nakangiti pa siya.

"Eh sino yung kasa-kasama naming bading kung sinasabi mo ngayong hindi ka bakla? Sino yung sumali sa Miss Engineering? Sino ang nagbebenta ng make up? Sino ang nagturo sa aking mag make up? Sino...sino...? Teka! Umamin ka nga, Hindi ikaw ang totoong Lexie ano? Impostor ka ba? Namatay na ba ang totoong Lexie tapos kinopya mo ang mukha? Our friend lexie died?" Oh my God! Pinaypayan ko ang sarili ko. Ang masama, nakalimutan kong hawak ko pa pala ang claw ng crab kaya natalsikan ako ng kuntign laman.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon