Chapter 21

215K 8.4K 2K
                                    

Chapter 21

"Bakit matigas?" I said while looking at my right hand.

"Ang ano bakla?" Tumabi si Barbie sa akin at tiningnan din ang kamay kong tinitingnan ko kanina pa. Nandito ako sa condo nila ni Chelsea. In fact, ang aga ko nga pumunta sa kanila dahil hindi ako mapakali. Isa pa, birthday ni Barbie ngayon and we've decided na instead na magpaparty or gumala sa mga bars mag private party na lang kami sa condo nila. Napagod na din ata ang bakla sa bonggang party na sinicelebrate niya every year.

"Bakit matigas?" I asked again.

"Ang kamay mo? Bakit naghahandwashing ka ba ng labada mo? Di ka gumagamit ng washing machine? Hindi ka naglalagay ng hand cream?" Hinawakan ni Barbie ang kamay ko at pinisil pisil.

"Malambot pa naman. Teka, I-hand SPA kita." Tumayo na si Barbie at pumasok sa kwarto niya. After a while, lumabas siya na may dalang hand spa kit at maliit na upuan. Umupo siya sa tapat ko at sinimulan akong I-hand spa.

"Bakla, dapat kasi para palaging soft and smooth ang kamay dapat nilalagyan mo ng cream pagkatapos mong maghugas o maglaba kasi nadadry din ang hands natin." He started lecturing me on how to properly take care of my hands but my mind wonder on something else. Bakit ba kasi hindi ko makalimutan yung nangyari kagabi? Hanggang ngayon parang nananayo pa din ang balahibo ko kapag naalala ko ang nangyari. I may have acted cool but the moment I entered the cab, I kept on rubbing my hands together na parang bang hawak ko pa din ang sunflower ni Lexie. Nagkunyari lang akong hindi affected pero nakakapangilabot pala makahawak ng ganun. It's kind of bulky kasi.

Tapos ang awkward pa kasi si Lexie, pulang pula at alam kong hiyang hiya siya. Hiyang hiya din ako of course kaya hindi na ako nagreklamo nung sinabi niyang mag taxi na lang ako kasi may pupuntahan pa siyang iba. I was so relieve pa nga na hindi kami sabay umuwi. Halos takbuhin ko na ang taxi nung may pinara siya. Kaya hanggang ngayon, I can't seem to get rid of the question, kung bakit matigas. Is it supposed to be like that?

"Beks, is it supposed to be like that?" Wala sa sariling tanong ko kay Barbs.

"Yes bakla, ganito talaga mag hand spa." Tuloy pa din si Barbie sa pag hahand spa ng kamay ko.

"Hindi yun. What I mean is, yung ano ba talaga, nagiging ano palagi?" Barbie looked at me with a puzzled look.

"What are you talking about?"

"Yung ano! Matigas ba talaga dapat yung ano?" Lalo lang kumunot ang noo ni Barbie.

"Ang ano nga?"

"Yung ano niyo."Paano ko ba sasabihin? Anong term ba ang dapat?

"Yung puso namin? Naku bakla depende bakla. Pero ako malambot na ang puso ko." He concentrated on my hand again.

"Hindi naman ang puso eh. Yung ano nga..yung..." I pointed at his crotch using my mouth.

"Yung...?"

"Ahmmm..." Am I supposed to say penis, toytoy, TT, batuta, talong, upo, patola, kalabasa? Ano ba talaga? Bakit ba nahihiya akong sabihin kay Barbie?

"Naku bakla, hindi tayo magkakaintindihan kung mag aanuhan lang tayo. " Medyo iritang sabi ni Barbie. Napabuntonghininga ako.

"Yung espada, is it supposed to be hard?"

"Siyempre bakla noh! It's made of steel kaya. Paano yun makakasaksak kung di matigas at matalim di ba?" I am becoming frustrated. I inhaled deeply at kumuha ng lakas bago nagsalita ulit.

"Hindi espada na literal. What I mean is, the thing between your legs na pinaputol mo. Is it supposed to be hard?" Diretsong sabi ko at naramdaman ko agad ang pag iinit ng mukha ko. Biglang napatigil si barbie sa ginagawa niya sa kamay ko and he looked at me real hard. Hard na naman? Why can't I get over the word hard?

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now