Chapter 9

199K 7.6K 1K
                                    

Chapter 9

"Hindi na tayo nagkikita!" Napalakas ang boses ko habang sinasabi yun kay Ter over the phone. Hindi ko na naitago ang tampo ko. Imagine, simula nung huli kaming magkita nung sobrang nalasing siya, hindi na ulit kami nagkita. That was a week ago. Tumatawag naman siya at nagtetext constantly but it's not enough for me. Sino bang girlfriend ang may gusto na mararamdaman lang ang presence ng boyfriend sa telepono? Maiintindihan ko sana kung LDR kami, kung milya milya ang layo naming at kailangan pang tumawid ng sangkaatutak na ilog at bundok. Pero Quezon City to Taguig? Tapos may pagkakataon paa na ang shoot nila malapit lang sa bahay ko pero ni hindi niya ako magawang bisitahin o kaya ay surpresahin. Nakakatampo naman talaga.

'I'm really sorry babe. It's just that my schedule is so hectic. Alam mo naman kung gaano ka strict si Lexie. He wants everything to be perfect kaya nakakailang ulit kami at hindi siya titigil hangga't hindi napeperfect ang shots.' Malambing na sabi ni Ter. Hindi ako nagsalita. Pinaramdam ko talaga sa kanya ang tampo ko.

'Babe...'

"Ewan ko sa'yo Ter. Pakiramdam ko kasi hindi naman ako importante sa'yo kasi binabaliwala mo lang ako. Okay lang sa'yo, magkita man tayo o hindi."

'Babe, please understand, para rin naman to sa future natin.' Biglang naglaho ang tampo ko pero hindi ko pinahalata. Ang sarap kaya pakinggan na ang boyfriend mo ay nagpaplano na para sa future niyo.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko?"

"Babawi ako.'

"Palagi mo na lang yan sinasabi. Hindi naman nangyayari. " Bawi ba ang tawag sa dinner na may kasamang iba?

'No, this time, talagang babawi na ako. Punta tayo kina Mommy this weekend. Besides, na explain ko naman na sa'yo kung bakit kasama natin si Lexie that night di ba?'

"Yeah right. Business."

'Sorry na. Babawi talaga ako. Alam mo naman na mahal kita di ba?' Tuluyan na akong napangiti. Kung katabi ko langg siya ngayon, baka nahalikan ko na siya dahil sa sobrang kilig.

"I know and I love you too."Nakangiti na ako nung magpaalam siya. Buo na naman ang araw ko.

Lumabas ako sa office ko at tiningnan ang mga nakadisplay. Gusto kong regaluhan ang Mommy ni Ter. Pampagood shot kahit na alam ko na botong boto sila sa akin para sa unico hijo nila. Pumipili ako ng magandang dress nung nagring ang phone ko. Si Chelsea ang tumatawag.

"Yes bakla?" Maarteng sagot ko.

'Bakla, Sagada tayo this weekend.' Excited na sabi ni Chelsea.

"Sagada? Ang layo naman. Anong meron?"

'Wala naman. Gala lang. Magpapalamig.'

"Mag aircon ka na lang. Di ka pa mapapagod sa byahe at mas mura."

'Iba pa din ang feel pa natural noh. Tsaka minsan na lang magyaya si Lexie. Alam mo naman yun sobrang busy.' Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko dahil tama si Chelsea. Wala akong naalala na nagyaya si Lexie ng galaan.

"Libre niya?"

'Siguro. Siya nagyaya eh.' Himala nga. Katapusan na ba ng mundo at manlilibre si Lexie? Ang saya sana kasi libre kaso nga lang may lakad kami ni Ter.

"Pero kasi may lakad kami ni Ter. Hindi kami pwede. Bibisita kami sa parents niya"

'Hindi ba pwedeng ipostpone yan? Ang lapit lang naman ng bahy ng parents ni Ter. You can visit them anytime.'

"Itatanong ko kay Ter bakla." Nagpaalam na ako kay Chelsea at tatawagan na sana si Ter nung nagtext siya.

'Babe, Friday evening na lang tayo pupunta kina Mommy. May weekend photoshoot ako with jun Escario .'

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now