Chapter 11

198K 7.8K 1.2K
                                    

Chapter 11

Sa gulat ko, bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa CR. Anyare kay bakla? Ihing ihi na? Pero infairness, hindi talaga ako mapakali. Akala ko kasi ang mga gays, hindi nagkakaroon ng boner sa umaga. Akala ko, mga lalaki lang ang ganun pero pati pala bakla, tinatablan nun? Kunsabagay, may sunflower pa naman si Lexie. Unlike sina Barbie at Chelsea na pinatabas na ang stalk ng sunflower. Pero bakit nga ba, hindi pa pinapaputol yun ni lexie? Nagtitipid? O baka naman kasi kulang pa ang savings. Baka ang price ng pagputol depende sa length at sa girth. Mas mahaba at mas malaki, mas mahal. Di sana ginawa na lang muna niyang installment. Like, kalahati muna ang ipapaputol kasi kulang pa sa budget. Sa sunod naman ang kalahati. Kasi sa tingin ko, base sa umbok at tayog ng nakita ko, mukhang mapapamahal nga siya kung isang putulan lang. Napahagikgik ako sa naisip. Nakakangilo, bwisit! Di ko maimagine ang pagputol na prang troso lang ng kahoy. Ewww! Pero minsan nga, tanungin ko sina Barbie at Chelsea kung paano naging kapatagan ang dating steep volcano. Volcano talaga, kasi pumuputok.

Umupo ako sa kama at hinintay na lumabas si Lexie sa banyo. Naiihi na ako and in 5 minutes alam kong kailangan ko nang magbawas. That's my ritual. Pero mag 30 minutes na, hindi pa lumalabas ang bakla sa banyo. Naliligo na siguro kasi dinig ko na ang shower. Talaga naman, ihing ihi na ako.

Naglakad ako para kahit papaano mapigil ko ang pantog ko pero lalo lang itong nagwawala. Lumapit na ako sa banyo at kinatok si Lexie.

"Bakla, paihi!" I shouted while knocking on the door. Pero walang sagot. Mas lalo kong kinatok pero wala talagang paki ang bakla. Kulang na lang mag jumping rope ako sa loob ng room para pigilan lang ang ihi ko.

"Baklaaaa!!!" Biglang bumukas ang pinto ng CR at sumilip ang ulo ni Lexie.

"Paabot ng towel ko." Tumutulo pa ang buhok niya. Kung hindi ba naman tanga. Hindi pala dala ang towel, naligo.

"Paihi muna." I crossed my legs. Gusto ko nang ibalya ang pinto at pumasok sa banyo.

"Ano ka! Just give me my towel and you can pee afterwards."

"Di ko na kayang pigilan bakla. I don't have time to get your towel. Just let me pee tapos takbuhin mo na lang ang towel mo. I don't care kahit mag jingle pa yang bells mo. Basta paihiin mo ako!" Hinatak ko ang pinto ng banyo, hinatak din niya hanggang sa maisara.

"You can't pee unless you give me the towel." Dinig kong sabi niya mula sa loob ng banyo. Wala na akong nagawa. Nagmamadali kong kinuha ang towel niya at kinatok ulit ang pinto ng banyo.

"Ito na!" Bumukas ang pinto at sumilip ulit ang ulo ng bakla. Sobrang pa demure tong bakla na to! Para namang bubusohan ko siya. Excuse me ha, pero hinding hindi ako tutubuan ang pagnanasa para sa kanya. Umismid ako at binato kay Lexie ang towel.

"Yan, Isaksak mo sa bells." Pagkakuha niya ng towel, isinara ulit niya ang pinto. Gigil na gigil na ako kasi pati sa pagtapis ang bagal niya.

"Ano ba!" I shouted again and this time binuksan na niya ng buo ang pinto ng banyo at lumabas ng nakatapis lang ng tuwalya. Namangha ako! Naks! Namangha talaga ang term. Pero, totoo, nakakamangha talaga. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapasipol nung dumaan siya sa harap ko. Amoy na amoy ko pa ang sabon niya.

"Wow! Nagpay off ang boy hunting sa gym!" Natatawang sabi ko pero inismiran lang niya ako. Dumiretso na siya sa room at ako naman isinara ang banyo at ginawa ang mga dapat kong gawin. Pagkalabas ko, wala na ang baklang tambay ng banyo. Naligo na lang ako at lumabas para mag breakfast. Nakita ko sila na nasa restaurant na lahat at kumakain ng breakfast.

Nag order ako ng beef tapa at kape tapos umupo sa tabi ni Barbie. Nagkakalikot ng computer si Chelsea habang kumakain naman si Lexie.

"Oo nga noh!" Bulalas bigla ni Chelsea. Napatingin kaming lahat sa kanya na ngayon ay sobrang tutok na sa laptop.

"Ano yan bakla?" Nakataas na kilay na tanong ni Barbie. Pinaikot ni Chelsea ang laptop at iniharap kay Barbie. Naki usisa ako. Nakabalandra ang mga pictures namin sa sagada pero hindi yun ang pinakita ni Chelsea kundi ang comment ni Amanda Kristine Cortez Mondragon.

Amanda Kristine Cortez Mondragon: Bakit palaging naka alalay si Lexie kay Missy Sippi? Nakatag pa ako sa comment ng bruha at hidni lang isa ang comment niya. Sa picture that night nung nag bonfire kami nag comment din siya.

Amanda Kristine Cortez Mondragon: Hmmm...cozy. Alex Mondragon, honey, magkakabayaw ka na! Comment niya sa picture kung saan nakasandal ang ulo ko sa balikat ng bakla habang may hawak akong beer. Si Lexie naman nakatingin sa akin at hindi ko maintindihan ang expression. Pero isa lang ang maliwanag. Parang gaga talaga itong si Amanda. Gawan ba daw kami ng issue ni Lexie. Tinag pa niya ang asawa niya. Hindi ba siya nasusuka? Inagaw ko ang laptop kay Barbie at nagtype using Chelsea's account.

Chelsea: Hoy Mandy, ano na naman ang nakain mo at kung ano ano ang nakikita mo?

I hit post.

"Parang adik lang talaga itong si Mandy. Kung anong pinagcocomment." Natatawang sabi ko sabay balik ng laptop kina Barbie at Chelsea.

"Hindi ba nananayo ang balahibo niya sa pinagsasabi niya?" I was about to drink my coffee when I saw Barbie and Chelsea's reaction.

Pabalik balik ang tingin nila sa amin ni Lexie pero mag tumatagal ang tingin nila sa pinsan nila na walang pakialam sa nangyayari at kain lang ng kain.

"Lexie." Chelsea called him out at nakataas ang kilay na tiningnan niya si Chelsea. Hindi nagsalita si Chelsea pero nagtitigan sila ni Chelsea. Ano yan? Silent talk? Gay eye language? Maya maya, nagtinginan si Chelsea at Barbie. Taasan lang ng kilay ang usapan. Teka, di ko ma gets. Bigla akong na out of place.

"OMG! How come? True?" Yun lang ang nasabi ni Barbie at wala akong maintindihan.

"Anong pinag uusapan niyo mga bakla?" pero deadma ako sa kanilang tatlo. I am becoming frustrated. Sarap sabunutan ng tatlong bakla.

"Hihimatayin ata ako." Maarteng sabi ni Barbie sabay maarteng hinawakan ang noo.

"Me too!" Tapos nagpatingin tingin siya sa amin ni Lexie. It was then that I understood everything. Naniwala sila kay Amanda? Anak naman ng pitong pating! Sinong matinong bakla ang maniniwala sa comment ng baliw na si Amanda?

"Hoy! Kung makaarte ang mga to. Wag niyong sabihin na pinaniwalaan niyo ang walang kwentang comment ni Mandy."

"Pero paano nga bakla kung gusto ka pala ni Lexie?" Tanong ni Barbie na para bang walang Lexie sa table.

"Juicecolored, baka kidlatan tayo sa pinagsasabi niyo. Para namang sinabi mong puputi ang uwak at magkakasnow sa Pilipinas. Napakaimpossible namang magkagusto si Lexie sa akin. Di ba bakla?" Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng table. Hindi niya ako pinansin. Kinakalikot na nya ang cellphone niya.

"Hoy bakla! Di ba impossibleng magkagusto ka sa akin!?" Malakas na ang boses ko at nilakasan ko pa ang pagsipa ng paa niya.

"Hoy!" Ibinaba niya ang phone na hawak niya at diretsong tumingin sa akin.

Hala!


The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now