Chapter 25

235K 8.7K 1.8K
                                    

Chapter 25

Pop!

Natigilan ako at nanlaki ang mga mata tapos napatulala.

"Hoy Missy, anong nangyari sa'yo at nakatulala ka na lang dyan?" Nakakunot na tanong ni Mandy sa akin habang hawak ang isang lata ng softdrink na kabubukas lang niya. Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil gusto kong ikuwento sa kanya ang mga sinabi sa akin ng bayaw niyang hidni daw bakla.

"It popped!" Wala sa sariling sabi ko. Bakit ba kahit saan, parang sinusundan ako ng salitang pop na yan? Katuald kanina habang nagdadrive ako papunta dito, may nakita akong malaking billboard ng Pop na softdrink. Hindi na nga ako nakatulog kagabi dahil kakaisip ng mga pinagsasabi ni Lexie, kahit ba naman dito sa bahay ni Mandy, may pop pa din?

Nananayo talaga ang balahibo ko tuwing naaalala ko ang usapan namin tapos ang klase pa ng tingin na binibigay niya sa akin. Nakakapanindig balahibo. Para akong nanonood ng horror movie, nakakakilabot.

"Siyempre, binuksan ko, eh di magpapop! Nakadrugs ka ba?" Nagsimula nang uminom si Mandy ng softdrinks. Gustong gusto ko talagang ikwento sa kanya ang lahat pero hindi ko alam kung paano magsisimula. Bumuntonghininga ako at kinuha ang isang lata ng softdrinks at binuksan.

Pop!

Napatulala na naman ako at nag init ang pisngi ko kasi ibang klaseng pagpa-pop ang naiisip ko. Ganun din ba yun kapag nadivirginize? May pop sound din ba yun? Maririnig ko ba yun? Mararamdaman ang pag pop.

Di naman kasi namin napag uusapan nina Chelsea at Barbie kung ano ang sound kapag nadidivirginize kasi wala naman silang first hand experience about dun. Kaya kay Mandy ko dapat itinatanong ang mga ganitong bagay.

"Hoy! Anong nangyayari sa'yo? Bakit wala ka sa sarili mo?" Mandy waved her hand in front ofmy face awaking me from my popping trance.

"Mandy, ano ang feeling pag na pop ang cherry." I asked slowly pero hindi slow ang effect kay Amanda kasi bigla siyang nasamid. Nagkanda ubo ubo siya at namumula na ang mukha to the point na naluluha na siya.

"What the hell Missy!" Inis na sabi niya sabay pahid sa ilong niya. Pati ata ilong niya napasukan ng softdrink. Singa siya ng singa.

"What kind of question is that?"

"I'm just curious okay?" Tumaas ang kilay ni Mandy and she looked at me suspiciously. Grabe naman makatingin ang babaeng to. Para namang akong nakagawa ng malaking malaking kasalanan. Maya maya pa ngumiti si ng tipid at namula ng unti.

"Well, masakit at first." Nakangiting sabi niya. Masakit?

"Paanong masakit?" Mas lalo akong na curious. Sabi kasi nila Barbie, masarap daw. Sabi, ni Lexie, I will like it daw. Bakit, masakit ang sabi ni Mandy?

"It's like you're being ripped into two." Napalunok ako at nanlaki ang mga mata ko. I imagined a cherry being slice by a knife. Napangiwi ako at nangilo. What the hell! Mali ata ang sinabi nina Barbie at Chelsea pati na din ni Lexie. Malay ba naman nila, eh hindi naman sila babae. Mas reliable si Mandy kasi siya ang babae, siya ang nadivirginize.

"May maririnig ka bang pop!" Again, I imagine a softdrink can being opened or a balloon na tinurok ng karayom. Pop!

"Anong pop! Wala akong narinig na pop."

"Eh ano ang narinig mo?" Buti na lang talaga open itong si Mandy. At least may point of reference na ako.

"Bog!"

"Bog?" Akala ko ba kaya tinatawag na popping of cherry yun kasi may pop sound. Anong ang bog na sinasabi ni Mandy?

"Nauntog kasi ako sa wall." Tapos tumawa siya ng malakas na parang baliw na kinikilig.

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now