Chapter 15

190K 7.3K 1.3K
                                    

Chapter 15

"Of course, our friendship had withstood the tests of time." Hindi naman katulad ng pagmamahal mo ang pagkakaibigan namin na kunting hula lang ay makikipaghiwalay ka na. I wanted to say to him pero hindi ko na sinabi kasi baka isipin niya bitter pa ako. Isa pa, baka isipin din ni Ter that I still have feelings for Shing.

"It's not what I meant." Napatingin siya sa akin tapos pabalik kay Lexie then, nangunot ang noo niya.

"I see." Tumawa siya na parang may nadiskubreng nakakatawa. Naging baliw ba si Shing? Kunsabagay, hindi naman malayo na mabaliw siya. Ikaw ba naman mawalan ng girlfriend na katulad ko. Nakakabaliw talaga yun.

"Bakla, di ba magwawashroom ka? Tara na at naiihi din ako." Tumayo si Chelsea at lumapit sa akin. Nag excuse ako kay Shing at sumama kay Chelsea.

"Bakla, salamat ha! Ang awkward pala makita ang ex ano? Tsaka nakakatakot kasi baka magselos si Ter. Thank you for saving me bakla." Sabi ko kay Chelsea habang naglalakad kami papuntang washroom.

"It's okay bakla. Alam ko naman na uneasy ka na kanina." Hays mabuti na alng at sensitive itong si Chelsea.

"Yeah." Pumasok si Chelsea sa male's washroom at ako naman sa female. Nag ayos ako sa washroom at nagretouch. Dahil sa unexpected appearance ni Shing nakalimutan ko kung bakit gusto kong mag washroom kanina. Lumabas na ako ng washroom at hinintay si Chelsea na lumabas.

Pero hindi pa ako nakakatagal sa paghihintay nung nilapitan ako ni Shing.

"Missy." Nakangiting sabi niya kaya napilitan din akong gantihan ang ngiti niya. Inaamin ko na napopogian pa din ako kay Shing kahit na hindi naman siya katangkaran. Pero kung icocompare kay Ter, walang wala si Shing.

"Hi again!" Pilit na sabi ko. Tiningna ko ang men's washroom pero ang baklang si Chelsea ay hindi pa din lumalabas. Ilang lalaki ba ang sinisilipan niya dun at nag eenjoy ata?

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Tungkol naman saan?" Lumabas ka na Chelsea, utang na loob.

"Gusto kong magpaliwanag kung bakit nakipaghiwalay ako sa'yo." Umiwas ako sa tingin ni Shing. Kung titigan niya kasi ako, katulad ng pagtitig niya sa akin nung kami pa. Ang awkward lang.

"Matagal na yun Shing. Nakalimutan ko na nga. In fact, I've moved on. I have a wonderful boyfriend right now. Wala nang rason para pag usapan pa natin."

"I know. Nevertheless, gusto kong linisin ang pangalan ko sa'yo. Ayaw kong habang buhay ay iisipin mo kung gaano ako kababaw kasi walang kwenta ang rason ko sa pakikipaghiwalay sa'yo." Buti naman alam niya.

"Hindi nga ba Shing? Although, I credit you for having a unique excuse still, kababawan yun."

"See? Kaya gusto kitang makausap. I regretted the fact that I've been weak at nagpapaniwala ako sa mga bagay bagay. Missy..." Nawala ang attention ko kay Shing at napakunot ang noo ko. Magkasunod sina Lexie at Ter na pumunta ng dance floor. Nauuna si Lexie at nakasunod si Ter sa kanya. Ano ang gagawin nila? Sasayaw silang dalawa sa dance floor? What the heck!

Ano ang ginagawa ng baklang yun sa boyfriend ko!?

"Shing excuse me." Hindi na ako naghintay ng reaction ni Shing, iniwan ko na siya. Kaialnagn kong isalbaang boyfriend ko kay Lexie. Nakafocus ang buong attention ko sa boyfriend ko at sa malanding bading. Talaga naman harap harapan kung landiin niya ang boyfriend ko. Walang delikadesa, walang pakundangan!

Agad ko silang nilapitan sa dance floor. Handang handa na akogn makipag sabunutan.

"Ter!"

"Missy." Gulat na sabi ni Ter pero mas nagulat ako kasi hindi niya ako tinawag na baby kundi Missy.

"What are you doing?" Hindi ko na tinago ang pangungunot ng noo ko. Hindi ko na kayang itago ang inis ko.

"Hinanap kita. Akala ko kasi nasa dance floor ka." Tumaas ang kilay ko.

"Di ba nagwashroom kami ni Chelsea?"

"I know. Pero naisip ko na baka sinundan ka nung lalaki kanina. He seemed interested in you." Ahhh.. so he noticed. Nagseselos ba siya kay Shing? Napangiti ako. Just like that, nawala na ang inis ko.

"Baby, wala yun. Shing is my ex-boyfriend. We're over. It's you I love now. Tsaka ano ba! Walang wala siya sa kalingkingan mo. " Tuluyan nang nawala ang inis ko. Ako naman pala ang inaalala niya.

"Shall we dance now?" Ikinawit ko na ang mga braso ko sa balikat ni Ter at nagsimulang umindak. Hinawakan niya ang bewang ko and started dancing too. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya and I felt contented. Tama naman na naging romantic ang tugtog kaya lalo akong yumakap kay Ter.

Hindi ko na ulit nakita si Shing hanggang sa magsiuwian kami. Ang totoo, nawala na siya sa isip ko habang nagsasayaw kami ni Ter. Hinatid ako ni Ter pagkauwi namin but he refused to come inside my apartment. Ang sabi niya late na daw masyado. Niyaya ko din siyang sa apartment ko na alng matulog dahil late na but he refused. Ano na lang daw ba ang sasabihin ng mga kapitbahay ko kapag nalaman nila na may pinapatulog akong lalaki sa bahay ko.

I wanted to say that I really don't care pero baka sabihin niya na napaka promiscuous ko naman. Pasasaan ba at makakarating din kami sa sitwasyon na yun. Kunting push na lang lalo pa at suportado kami ng parents niya.

The next day, napagkasunduan namin ni Ter na puntahan ko siya sa photoshoot nila. Nasabi ko kasi sa kanya ang tampo ko at babawi daw siya. We're going on a date. Just the two of us. Sinigurado ko yun. Sinabihan ko talaga siya na ayaw kong may kasama kaming iba. Mabuti na yung maliwanang kaysa sa mag-alburuto na naman ako.

Pagkarating ko sa studio, patapos na din sila kaya hindi na ako naghintay ng matagal. Nagligpit lang si Ter at niyaya na ako. Dumiretso kami sa parking and he opened the car door for me. Sumakay na ako habang siya naman umikot sa driver's seat at inilagay sa backseat ang ibang gamit. Yung camera niya, inilagay niya sa dashboard.

"Baby, saglit lang, I forgot something. Babalikan ko lang saglit." Nginitian ko siya at tumango. Sinundan ko pa siya ng tingin habang papasok ulit siya sa studio. Kinalikot ko na ang car stereo niya at nagpatugtog habang hinihintay siya. I was browsing on the fm stations nang mapatingin ako sa camera ni Ter.

Kinuha ko ang camera na nakapatong sa dashboard and I opened it. Humanga agad ako sa mga kuha niya. Looking at the pictures he'd taken a while ago, I can really see that my boyfriend is a very talented photographer. Ang ganda ng mga kuha kahit na simple lang ang mga subjects.

I further browse on the photos hanggang sa umabot ako sa mga shots na kuha niya nung nasa Singapore sila. Mas lalo akong humanga kay Ter at alam kong malayo ang mararating niya.

Tuwang tuwa ako sa mga photos at nakangiti pa ako when I came across with a photo of a table na may mga foods. The table is set for two. Ang table setting lang naman ang kinuhanan but what caught my attention is the phone on the table. It was an iphone and Ter's phone is an LG not an iphone. Kumunot ang noo ko.

I browse further and I was about to forget that picture when I saw a selfie. A selfie of Ter and Lexie, with the Merlion as their background. Si Ter ang may hawak ng camera at nasa likod niya si Lexie. They are both smiling at nakasandal ang chin ni Lexie sa shoulder ni Ter.

Biglang nanikip ang dibdib ko, halos hindi ako makahinga at hindi ko matagalan ang pagtingin sa picture. My hand automatically move to reveal another photo of Lexie and Ter, and another one, and another one. Hindi ko alam kung gaano kadami pero lahat kuha sa Singapore. Lahat nagrereveal ng totoong relasyon nila. Sa lahat ng photos makikita mo kung gaano sila ka sweet sa isa't isa. May isa pa ngang photo na nakahalik si Ter sa pisngi ni Lexie. Bawat picture parang patalim na tumuturok sa puso ko. Gusto kong maghihiyaw dahil sa sakit.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko habang nagbabrowse sa camera ni Ter. Ang daming photos pero iisa lang ang sinasabi. Ter and Lexie is having a relationship. They're having a relationship behind my back. Halos hindi ko mapaniwalaan pero nagsusumigaw ang ebidensiya sa harap ko. Kahit siguro ang pinakagagang tao sa mundo malalaman kung ano man ang meron sila.

Hindi ako makapaniwala na nagawa sa akin ni Ter ito. Pumatol siya kay Lexie? Ano nga ba ang sabi nila? Bading lang ang pumapatol sa bading. I swallowed the lump in my throat as the reality hit me. Para akong mababaliw.

My boyfriend is a gay.


The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now