Chapter 19

210K 8.8K 2.5K
                                    

Chapter 19

Ninoy Aquino Park and Wildlife.

First time kong makapasok sa park kahit na sa Quezon City lang ang lugar. Hindi naman kasi ako mahilig gumala sa mga parks. Pero dahil may misyon ako ngayong araw, kaya pumunta ako sa park na to.

I parked my car at nagsimula nang maglakad. Mabuti na lang at hindi mainit sa lugar dahil sa dami ng puno at maaliwalas din. Sa paglalakad ko I came across a group of people na nagpophotoshoot and I was shocked to see Lexie among them. Joke! Hindi talaga ako na shock. I came into this park because I know that Lexie and Ter is here for their photoshoot. Tinanong ko kay Chelsea kung saan si Lexie at sinabi naman nila. Dinugtungan pa nga na kasama daw si Meister. Siyempre ako, agad naman na pumunta sa location para guluhin sila.

"Bakla!" Kunyari gulat na gulat na sabi ko nung makita ko si Lexie na kinakausap ang isa sa mga kasamahan nila.

"Missy." Bigla naman siyang napatingin sa akin and I saw him smile. Ngumiti ako at lumapit sa kanya tapos nagbeso.

"Andito ka pala bakla. Hindi ko ineexpect na makikita kita dito." Naks!

"Dito ang location namin. How about you? What are you doing here?"

"Namamasyal lang. Nag unwind. Tinitingnan kung okay lang ang mga endangered species dito." I gave him a hollow laugh and from the corner of my eyes, I saw Ter looking at us. Umismid ako sa ex-boyfriend kong bakla. Manigas kang bading ka. Ngayon mo matitikman ang sakit ng paghihiganti ko.

"I didn't know that you love nature."

"I do love nature. I love all things bright and beautiful, all creatures, great and small, all things wise and wonderful..."Napatigil ako nugn narinig ko siyang tumawa.

"Okay, okay! I get it. Maupo tayo." Hinawakan niya ang siko ko at iginiya ako sa dalawang monobloc chair.

"Hindi naman ako nakakaistorbo bakla?"sabi ko nung nakaupo na kami.

"Hindi naman. My work is almost done. Nagsusupervise na lang ako sa photoshoot." Napatingin ako sa mga model na panay ang pose at sa kay Ter at sa ibang photographer. Hmmm, bago ang camera ng bakla! Sarap ibalibag ulit kasama siya.

"So... pwede tayong sabay mag lunch?" Kunyari tumingin ako sa wristwatch ko pero ang totoo, sinadya ko talagang pumunta ng malapit nang mag lunch para hindi mapagsolo ang dalawang bakla.

"it's almost lunchtime na kasi and medyo nagugutom na ako. Kanina pa kasi ako naglalakad dito. Naikot ko na nga ang buong park. Maganda pala dito. Peaceful." Truth is, wala pa akong 20 minutes na dumating at dumiretso agad ako sa location nila. Kahit isang unggoy sa wildlife wala pa akong nakita at kahit ang lake hindi ko pa alam kung may tubig o wala.

"Saan ba masarap kumain? Gutom na gutom ako..."

"He can't eat with you because he is eating with us." Napatingala ako kay Ter na nasa tabi na pala namin. Nakataas ang kilay niya. Aba, full blown na ang kabadingan nya. Ganyan din kaya siya kapag kaharap ang parents niya? Gustong tumaas ang kilay ko pero pinigilan ko. Makakasama sa plano ko kung papatulan ko si Ter.

"Ganun ba? You have a plan na pala. So I guess I'll be eating alone." Ngumiti ako at tumayo na.

"You can join us." Sabi naman ni Lexie. Tiningnan ko kung seryoso ang invitation niya or pakitang tao lang at mukhang seryso naman siya.

"Hindi okay lang. I'll be fine kahit na mag isa lang ako. Ayaw ko naman sirain ang usapan niyo. Sige I'll go ahead na. Bye na bakla." Nagbeso ako ulit sa kanya at dahan dahan na naglakad na palayo hoping na susundan ako ni Lexie at baliwalain si Ter. I counted my steps at hindi pa ako nakakasampung hakbang nung may humawak sa braso ko. Ngumiti ako pero saglit lang. Baka mahuli ako.

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now