Chapter 16

192K 8.1K 2.2K
                                    

Chapter 16

Hindi matigil tigil ang luha ko habang hawak hawak ang camera ni Ter. Gusto ko na lang ibato ang camera para magkapira piraso para mawala ang mga pictures. Pero kahit na mawala ang mga pictures nina Ter at Lexie, nangingibabaw pa din ang katotohanang, may relasyon sila at bakla ang boyfriend ko. I hiccuped as another batch of tears fall down. Sa sitwasyon na yun ako nadatnan ni Ter. Agad siyang pumasok sa kotse.

"Baby? Anong nangya..." Napatigil siya nung makitang hawak ko ang camera niya. Bigla siyang namutla at biglang bumangon ang galit sa puso ko.

"Bakit mo ako niligawan Ter?" Puno ng hinanakit ang boses ko. Ang sakit sakit kasi. Mas gugustuhin ko pa atang pinagpalit na lang niya ako sa ibang babae. Pero hindi eh, pinagpalit niya ako sa bading! Worst, sa isang kaibigan ko pa! Nauubusan na ba siya ng kilalang bading?

"What are you saying Missy?"

"Wag ka nang magkaila! Alam ko na bakla ka. Alam ko na may relasyon kayo ni Lexie. Kaya pala palagi kayong may photoshoot." I snorted and angrily wiped the tears that fall. Who knows kung anong klaseng shooting pa ang nangyayari. Nakakadiri!

"I'm so sorry Missy."

"You're sorry? You're sorry that I found out that you're a gay? You're sorry that you can no longer use me para gawing props sa parents mo?" Sumigaw na ako at yumuko siya. He bite his lower lip and it irked me further. Bakit ba hindi ko nakita ang mga signs? Sa tagal kong nakikipaghalubilo sa mga bading, bakit hindi ko man lang napansin na ang boyfriend ko ay isa sa kanila?

"Kaya pala panay ang iwas mo na makapagsarili tayo. Kaya pala ni ayaw mo akong halikan kapag nagkasarilinan tayo. Kaya pala feeling ko hindi ako desirable para sayo. Iba pala ang gusto mo! Ang tanga tanga ko! My God! Nagpagamit ako sa'yo. Ginawa mo akong tanga Meister!" Sigaw ko sa kanya. Kung pwede lang sanang ihampas ko sa kanya ang kotse niya ginawa ko na.

"Missy..." nagtangka siyang hawakan ako pero pumiksi ako. Nandidiri ako sa kanya hindi dahil sa bading siya. Nandidiri ako kasi nakipaghalikan ako sa kanya. Nandidiri ako kasi pinagnasaan ko siya. Nakakadiri na na inlove ako sa isang bading!

"Mga walanghiya kayo! Mga manloloko! Mga hayop!" Padabog kong binuksan ang pinto ng passenger car ni Ter at agad na lumabas. Bitbit ko pa din ang camera niya. Naalala ko na lang nung nasa labas na ako ng kotse.

Sinulyapan ko siya at hindi ko napigilan ang sarili ko. I smashed the windshield of his car using his camera. Nabasag ang windshield ng kotse ni Ter at narinig ko siyang tumili. Lalo akong nagalit. Naningkit ang mata ko as I saw him went out of his car.

"Missy!" Natatarantang sabi niya. Naging matinis na ang boses niya at hindi na husky. Leche! Talagang sinadya niyang lokohin ako. Nagpanggap talagang lalaki ang walang hiya!

"Akala mo maloloko mo ako habang buhay at hindi ko malalaman ang kalansahan mong bakla ka!?" Ibinagsak ko ang camera niya sa semento. Napatili ulit siya nung nakitang naghiwa-hiwalay ang iba't ibang parte ng camera. Hindi pa ako nakuntento, inapakan ko pa ang pinakamalaking part na hindi nabasag na nasa tabi ng paa ko. Pakiramdam ko si Lexie at si Ter ang inaapakan ko. Tili ng tili si Ter habang nakatingin sa camera niya at lalong nag iinit ang ulo ko.

Tuwing naririnig ko ang tili niya, mas lalo akong nagagalit kaya pinulot ko ang inaapakan ko at ibinato sa kanya. Hindi ko siya tinamaan, sayang.

Susugurin ko pa sana kaso nakita kong papalapit na ang guard at may nakatingin na rin sa amin.

Di bali madami pa namang araw. Akala niya siguro tapos na kami? Huh! Hindi pa ako tapos. Makikita niya. Makikita nilang dalawa ni Lexie at matitikman nila ang galit ko.

The Gay Who Stole My BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon